ng Pilipinas
ang agila
(by eli avellanoza  9/16/2009)

Minsan, napasama ako sa isang medical mession sa Didipio (sa bayan ng Kasibu, Nueva Vizcaya). Sumakay kami sa malaking jeep at ilang ilog ang tinawid at ilang bundok ang inakyat nito bago kami makarating sa pook na iyon.

Habang nasa daan, tuwang tuwa ako kase nakakita ako ng agila na nakadapo sa isang malaking puno.

Sa layo ng byahe, medyo madilim na nung dumating kami sa lugar na pupuntahan namin. Dahil sa pagod at wala di naman kaming mapaglilibangan, maagang natulog ang grupo namin.

Kinabukasan, nagtungo na kami sa eskwelahan. Dito kase gaganapin yong medical mission. Medyo malayo layo parin ‘yong nilakad namin bago makarating sa eskwelahan at kinailangan parin naming tumawid ng ilog--kapagod pero enjoy naman .

Sa wakas ay narating na namin yong eskwelahan. Nasa taas ito ng burol kaya naman tanaw na tanaw ko ang mga taong papalapit habang pinupunas ang pawis na tumatagaktak sa aking mukha.

Nagsimula ang program.. nagsimula ang pag-palo sa gong[musical instrument].. pumailanlang ang mga una’y mahina ngunit papalakas na tunog nito. “Anong musika ito?” naitanong ko sa sarili ko. Pero maya maya lang, nakita ko nang sumasayaw ‘yong isang grupo ng matatanda. Unti-unti ay naramdaman kong tumayo yong mga balahibo ko (pers taym kong makapanuod ng live na sayaw ng ifugao). Bakit ganun? Di ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Kakaiba ang pakiramdam. Parang gustong sumama ng emosyon ko sa bawat pagtunog ng kanilang musika. Lalong nag-iba ang pakiramdam ko nung nagpalit sila ng step. Sa pagkakataong ito’y nakataas ang dalawang kamay nila at animo’y mga pakpak ng agila na lumilipad sa papawirin. Ahhh… hindi ko talaga maipaliwanag ang nararamdaman ko. Parang gusto kong maiyak sa kakaibang kagalakang nararamdaman ko. Sa totoo lang, gusto ko na ring pumunta sa gitna at makisalo sa kanilang pagsasayaw pero mabuti na lamang at di ko ginawa yon kase baka magkalat lang ako’t kaladkarin pa palabas. hehe . Gusto kong sabayan ang bawat pagpwagayway ng kamay nila at lumipad tulad ng isang agila. Isang agila na malayang lumilipad.

Teka lang, paano kung nawalan na ng tirahan ang mga agila? Malaya pa kaya silang makalipad? At kung makalipad man, saan pa sila dadapu pagkatapos ng mahaba at nakakapagod na paglipad? Naitanong ko ito dahil tulad ng mga agila, nanganganib rin na mawalan ng tirahan ang mga taong ito dahil sa pagmimina lalo pa’t napasok na ang kanilang pook ng isang Australian mining firm.

Ganito nga pala ang naabutan naming kalagayan ng pook na iyon: kontaminadong ilog, butas-butas at unti-unting gumuguhong mga bundok. Haay…masakit sa mata at nakakalungkot.




See more Articles
Samahang Makasining (Artist Club), Inc.
Artist Club of the Philippines
email: info@acpfi.org

Copyright 2007 Samahang Makasining (Artist Club), Inc.

Powered by AACC