ng Pilipinas
Mga likas na kagamitan sa pagpipinta, muling ipapakita sa madla
(by Makasining  3/12/2016)

Gitnang Luzon - Pinulong kamakailan lamang ni Ginoong Elito Circa o mas kilala bilang Amangpintor (Ama ng kakaibang likas na pintura) ang lahat ng mga miyembro ng Samahang Makasining (Artist Club), Inc. at Makasining Pinas na gumagamit ng mga kakaiba o di pangkaraniwang kagamitan sa pagpipinta upang buuin ang plano at paggawa ng project proposal para sa "2017 Indigenous Art Exhibit" na maaaring ibigay sa ahensya ng Sentrong Pangkultura ng Pilipinas o CCP at sa Pambansang Komisyon para sa Kultura at mga Sining o NCCA.

Tampok sa proyekto ang pagpapakita ng mga pinta na gawa sa mga hindi pangkaraniwang kagamitan tulad ng buhok, dugo at toyo soy sauce ni Amangpintor, katas at balat ng sibuyas ni Arle Macapagal, kalawang ni Ramon Lopez, bawang ni Mark Lauren Libunao, Molasis at katas ng kamatis ni Rey Lorenzo, ipa ng palay ni Danilo Taplacido, Staple wire ni Wiljun Jay Magsino at iba pang datihang makasining na may advocacy sa pangangalaga ng kalikasan upang makabawas sa pag-init ng mundo "Global Warming", may kakaibang paniniwala sa buhay at mga naniniwalang "Ang pag-unlad ng bayan ay sa pamamagitan ng SINING"

Ang paggamit ng mga hindi pangkaraniwang kagamitan ay umusbong tatlumpung (30) taon na ang nakakaraan na sinimulan ni Amangpintor sa pamamagitan ng kanyang buhok at dugo at ilang katas ng prutas, halaman at mula sa mga ginagamit sa pagkain. Ang pagbabahagi niya ng kaalaman sa pagpipinta na kahit walang kagamitan na mabibili at tanging mga likas na kagamitan lamang ang gamit ay naging maigting nitong mga nakaraang taon. Hanggang sa kasalukuyan nagsusulputan ang mga makabagong makasining na gumagamit ng mga tulad nito.

Matatandaan na ang paggamit ng hindi pangkaraniwang kagamitan o mga likas na pintura sa pagpipinta ay ginagawa na ng mga sinaunang katutubong Pilipino sa mga kweba ng Palawan at Angono Rizal. Ayon kay Amangpintor tulad ng mga katutubo noon dumaan rin siya sa ganitong karanasan na dahil sa hirap ng buhay at pagka liblib na lugar nila hindi niya alam ang mga commercial brush at mga pintura. Tanging sariling pagtuklas lamang ang kaniyang puhunan upang maging katutubong pintor at maituro naman ito sa mga susunod na salin lahi. Aniya "Hindi hadlang ang kahirapan sa isang likas na makasining".




See more News
Samahang Makasining (Artist Club), Inc.
Artist Club of the Philippines
email: info@acpfi.org

Copyright 2007 Samahang Makasining (Artist Club), Inc.

Powered by AACC