ng Pilipinas
Pagpupulong ng mga pangunahing opesyales ng mga sangay, matagumpay

Oktobre 5, 2013 - Matagumpay na isinagawa ang pagpupulong ng mga opesyales ng bawat sangay sa lungsod ng Cabanatuan sa isang "eat all you can" na restaurant. Layunin ng pagpupulong na ito na bumuo ng Artist Club National Council (ACNC) pang propesyunal at pang mag-aaral; magkaroon ng pagkakaparehas (standard) na programa sa pagtanggap ng bagong miyembro, standard logo kasama na ang dapat na kulay ng letra; pagtatalaga ng kulay na gagamitin ng bawat sangay; at paggawa ng kilos-sinyales (Sign-Gesture) para sa panahon na nangangailangan ng pisikal na agarang tulong ang isang miyembro.

Isa rin sa napag-usapan ay ang "Arts Convention 2014" na gaganapin sa buwan ng Mayo 2014. Ang proyektong ito ay inilalaan sa serbisyong pang pamayanan tulad ng muling pagbubuhay ng mga kultura sa laro, kaalaman sa sining at pang kalikasan na pagmumulat at ang huling araw o gabi ay nakalaan naman sa pagdiriwang ng mga miyembro ng samahan.

Napag-usapan rin na ibalik ang tournament sa "Laro ng Lahi" para sa mga sangay ng samahan at gawan ito ng malaking trophy na aalagaan ng mananalo at mapapasakanila ng tuluyan kung maka tatlong panalo. Ang mga palaro na napagkasunduan ay ang mga sumusunod; 1) Patintero; 2) karera sa kadang-kadang; 3) Dama at 4) lusalos.

Ilan sa mga dumalo rito at bumalangkas ng mga programa ay sina Amangpintor (Chapter Founder), Angelo Gania (Executive Director) at representante ng sangay ng San Jose, Rey Lorenzo (GA Guimba), Benny Romero (Guimba), Marlon Pascual (Gapan), Cherry Lyn Diana (GA BASC and New ACNC President for Non-Professional), Ferdinand Dela Cruz (BASC), Leopoldo Parong Jr. (GA Dingalan), Heherson Tangliben (Dingalan) , Rhod Gamatan (MA Dingalan), Sarah Joyce Gamatan (Dingalan), Harvey Mari (Board PRO), Allan Abenoja (GA NEUST), John Micah Gabriel (NEW ACNC President for Professional) and Mark Allan Yuson (GA Cabanatuan City). Bawat isa ay nagbigay ng pananalita at pangakong iniwan bilang opisyales ang samahan.





See more News
Samahang Makasining (Artist Club), Inc.
Artist Club of the Philippines
email: info@acpfi.org

Copyright 2007 Samahang Makasining (Artist Club), Inc.

Powered by AACC