Artist Club
Minggan muling nabuhay sa alala ng novo ecijano

Ang Artist Club Teatro (MM-S005-01), Rizal High School ay muling nagkamit ng karangalan sa idinaos na stage play ng ENRO-DENR "Tubig ay buhay kaya dapat ingatan" na ginanap sa Nueva Ecija Capitol, Palayan City noong ika-7 ng Agusto 2003.

Ang patimpalak ay nilahukan ng mga iba't ibang paaralan sa Nueva Ecija tulad ng Nueva Ecija Science High School, Gapan National High School, Don Ramon de los Santos High School - Cuyapo, Constancio Padilla National High School - San Jose, Rizal High Scool at iba pa sikat na paaralan.

Ang Script ay isinulat ni Elito V. Circa at sa direksyon ni Teresita Martin-Circa Grand Master Artist ng naturang sangay at may pamagat na "Daloy buhay, daloy biyayang pag-ibig ni minggan". Ito ay base sa tema ng mga gawang painting ng sumulat, ang Alamat ni Minggan na umibig sa babaeng taga Arayat na si Mariang Sinukuan.

Masasalamin dito ang pagsasakripisyo ng bayang Pantabangan upang bigyang daan ang tingalan ng dambuhalang tubig na lumunod sa lahat ng kabukiran ng bayang Pantabangan alang-alang sa kabuhayan ng buong bansa.

Ito rin ang ipinapahiwatig ng Alamat ni Minggan - ang sulat babala ng panahon sa bayan.


SAMAKASINING PUBLICATION Opisyal na pahayagan ng samahan



See more News
Samahang Makasining (Artist Club), Inc.
Artist Club of the Philippines
email: info@makasining.org

Copyright 2007 Samahang Makasining (Artist Club), Inc.

Powered by AACC