29, Hunyo 2004, Inihayag sa text message ni ELMER DASCO, nagtatag ng Artist Club, ang kanyang pangungumusta at katuwaan sa mga proyektong matagumpay na natapos at patuloy paring sumusuporta sa layunin ng samahan. Aniya kung kailangan ang kanyang tulong, buong puso niya itong ipagkakaloob sa samahan. Hain pa niya na magtayo ng sangay sa kanyang bayan o sa Bicol Region sa lalong madaling panahon, sa tulong na rin ng isang aktibong kasapi na si Antonio Co na isang matagumpay na negosyante sa Parañaque. Ang pagtatag ng sangay sa Bicol Region ay matagal nang pangarap nila Elmer at Tony na naantala lamang sa dahilang pagdating ng Eleksyon 2004.
|