Artist Club
Dalaw-Hiling kay Mariang Sinukuan: Akyat sa Mt. Arayat
(by EYSI  7/14/2004)

Base sa alamat ni Minggan ang diwatang si Mariang Sinukuan ay matatagpuan sa kabundukan ng Arayat. At bawat umaakyat at humihiling sa kanya ay kanyang pinagbibigyan kung ito ay para sa mabuti.

Noong ika-28 hanggang ika-29 ng Pebrero 2004, ang mga kasapi ng Samahang Makasining(Artist Club), Inc. ay muling umakyat. Dama ng bawat isa ang pagod at hirap lalo't sa kataasan ng bundok. Subalit napawi ito ng kanilang natunghayan ang kagandahan ng tuktok at ang unti-unting pagsilip ng araw sa kapatagang bahagi.

Ayon kay Elito V. Circa, Board Chairman ng samahan, "Dito mo matutunghayan ang pagsilip ng araw sa baba, at abot tanaw ang kapaligiran ng Bulacan, Pampanga, Nueva Ecija, Tarlac at kahit Manila, natatandaan ko pa ang aking nakaraang akyat sa Arayat, ang aking kahilingan noon ay dininig at natupad". Ang mga sumama na umakyat ay ang mga sumusunod; Mag-asawang Celeste at Cesar Macalinao, Valirei Meman, Redentor at Eman.

Nagsimulang umakyat ang grupo ng 2:00 ng hapon at nakarating sa taas ng 8:00 ng gabi. Ayon sa kanila, ang slope ng bundok sa una ay 25 degree, sinundan ito ng 45 degree at sa pinakataas ay 70 degree. Bawat 10 metro ay pahinga, kain at inom ng tubig. Walang anumang tubig sa kanilang daraanan. Nagtiis sila sa hilaw na kanin sa dahilang kulang ang dala nilang tubig, at ang natitirang tubig na natipid ay inilalaan na lang nila sa pagluluto sa umaga. Sa kanilang pagbaba wala na silang tubig na maiinom. Kaya ganoon na lamang ang kasabikan nila sa tubig nang sila ay nakababa na sa bundok.

Ang proyektong ito ay bihirang gawin ng samahan sa antas ng propesyunal sa dahilang subsob sa trabaho at maraming pinagkakaabalahan. Subalit pinagkasunduan ng grupo na umakyat at taunan na itong gagawin at bukas para sa lahat na gustong sumama.



See more Features
Samahang Makasining (Artist Club), Inc.
Artist Club of the Philippines
email: info@makasining.org

Copyright 2007 Samahang Makasining (Artist Club), Inc.

Powered by AACC