Artist Club
Pangkalahatang Pagpupulong ng kasapi idinaos

Ang pang kalahatang pagpupulong ng mga sangay, alumni at ilang co-founders ay idinaos sa Lingap-Kalikasan sa CLSU noong ika-7 ng Abril, 2003.
Layunin ng pagpupulong na pagtibayin at pag-usapan ang mga problema.
Ilang pangunahing isyu ay ang tungkol sa kung bakit hindi Artist Club ang nairehistro sa Security and Exchange Commission (SEC) kundi Samahang Makasining (Artist Club), Inc. at ito ay naunawan naman ng lahat, naging isyu rin kung dapat bang paghiwalayin ang Artist Club at Samahang Makasining at ito ay natugunan sa paraang gusto ng Artist Club National Council (ACNC - binuo ng ilang mga estudyante at adviser ng AC-CLSU chapter) na maging independent ang AC college level sa Board of Trustees at sinangayunan naman ng lahat ng Alumni at ng pamunuan ACNC.
Ang mga ilang kasunduan; Ang ACNC ay siyang mamamahala sa mga gawain at batas sa lahat ng sangay sa pang kolehiyong antas lamang. Ang bawat proyekto ng sangay na kailangan ang tulong ng board (SMI) ay dapat na dumaan at aprobado ng ACNC bago pumunta sa SMI.
Napagkasunduan din na tulungan nalamang sa mga gawaining sining at bawat panig ACNC at SMI ay hindi makikialam sa kanikaniyang batas. Napagkasunduan din na magbibigay ang ACNC ng listahan ng mga estudyanteng kasapi ng Artist Club at mga bagong adviser tuwing matatapos ang taon, ito ay upang malaman ng board kung sino ang alumni o sino ang studyante palang.
Napag-usapan rin ang ilang mga personal na problema subalit pagkatapos ng ilang maiinit na paliwanagan ay nasuklian naman ito ng kapayapan ng loob. Nagwakas ang paguusap sa isang sulidong patakaran, kasunduan at panalangin at pagpapasalamat sa MAYKAPAL



See more News
Samahang Makasining (Artist Club), Inc.
Artist Club of the Philippines
email: info@makasining.org

Copyright 2007 Samahang Makasining (Artist Club), Inc.

Powered by AACC