Artist Club
Pagtanggap ng bagong kasapi sa Pantabangan matagumpay

Mayo 17, 2003 idinaos ang ikalawang pagtanggap sa mga bagong kasapi, umabot sa 35 katao at binubuo ito ng mga mag-aaral sa Mataas na Paaralan, Kolehiyo at mga matatandang mamamayan ng Pantabangan. Ang bagong batch ay magiging isang sekta ng sangay sa bayan at tatawagin ito "Pantabangan Teatro" o Pandramang sangay sa Pantabangan. Ang mga sumapi ay dumaan sa mga pagsubok ng samahan, naglingkod sa bayan sa pamamagitan ng paglilinis ng panlungsod na mga daan at iba pa serbisyong bayan.

Ang T-house sa Bocanegra ang lugar na pinagdausan ng binyagan, ang lugar ring ito ay nababagay, tahimik at may masining na kapaligiran. Tanaw mula rito ang dambuhalang tubig at ang lumang simbahang lumubog ng Pantabangan, kaya ang mga dumalo sa ibang sangay at mga sasapi ay di mapukaw ang saya.

Si Michael Ramos, Allan, Alren at Rommel Dullas ang namahala sa high school Level, Angelo Gania at Oliver Bautista naman sa Kolehiyo at Board sa propisyunal na antas sa pangunguna ng chairman na si Elito V. Circa.

Ayon sa mga mananalita ng Grand Artist sa naturang sangay na si Andres Linsangan Jr. hinihimok niya ang mga bagong kasapi na maging aktibo at isabuhay ang paglilingkod sa bayan, bumuo ng mga pambayang palabas lalo na ang pagiingat kasaysayan ng bayan sa pamamagitan ng pagsasadula. Hinimok din ni Gng. Criscencio Villajuan Grand Master Artist, at Antonio Mainit Chair ng Dula na gumawa ng isang pagsasadula ng kasaysayan ng pagpapalubog ng bayan sa Nobyembre 27 pistang bayan.



See more News
Samahang Makasining (Artist Club), Inc.
Artist Club of the Philippines
email: info@makasining.org

Copyright 2007 Samahang Makasining (Artist Club), Inc.

Powered by AACC