Artist Club
The First Philippine Postharvest Painting Contest 2008
(by Angelo Jose Gania  5/2/2008)

To all interested artists,

The Bureau of Postharvest Research and Extension in cooperation with the Samahang Makasining(Artist Club), Inc. is conducting a Painting Contest at the Bureau of Soil and Water Management, Diliman, Quezon City. The theme for the contest is "Improving Agricultural Productivity through Loss Prevention and Mechanization" focusing on postharvest activities like research, extenion and comercialization, potharvest technologies and its benefits to stakeholders, researchers and farmers and fish folks. Contest registration and for submission of entries is on May 18, 2008 Judging is on May 19,2008 and Painting Exhibit is on May 19 to 23, 2008. Submit your entries to BPRE, CLSU Compound, Science City of Muņoz, Nueva Ecija or BPRE Liaison Office, 3rd Floor, ATI Building, Elliptical Road , Diliman, Quezon City . For more information please visit www.artistclubphilippines.org or www.bpre.gov.ph or call Elito V. Circa at (0917)566-4674, Genaro M. Tolentino at (0920)913-6806 or Angelo Jose Gania at (0917)248-3139.

Download Contest Form

Online Registration please click here


PALIGSAHAN SA PAGPIPINTA
BPRE PAINTING CONTEST
April to May, 2008

Improving Agricultural Productivity Through Loss Prevention and Mechanization

Petsa ng pagpapadala: Mula Mayo 1 hanggang Mayo18
Lugar ng pagsusumite: BPRE, CLSU Compound, Science City of Muņoz, Nueva Ecija
BPRE Liaison Office, Elleptical Road, Quezon City, Manila
Lugar ng Eksibit: Bureau of Soil and Water Management, Diliman, Quezon City, Manila

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa BPRE bumisita sa http://www.bpre.gov.ph

PANUNTUNAN SA PAGSALI:

  • Bukas para sa lahat ng Pilipino na may edad 18 pataas o sa antas ng kolehiyo o propesyunal
  • Ang unang 15 dibuhista na magpapatala ay pagkakalooban ng gamit pagpipinta
  • Isang Dibuhista isang larawang lahok sa patimpalak, subalit maaaring maglahok ng larawang sining para sa exhibit at benta na hindi tataas sa (3) tatlo.
  • Ang mga gagamitin ay ang mga sumusunod: - Acrylic o Oil paint - Canvas o tela - Ang sukat ng kuwadro ay 24 x 28 pulgada (inches)
  • Mamimili rin ng 10 larawang sining na pagkakalooban ng pang palubag-loob na gantimpala
  • Ang tatlong (3) larawang sining na napili na lahok at 12 na binigyan ng gamit o palubag loob ay magiging pag-aari ng nagpatimpalak at isasama sa Exhibit.
  • Ang ibang mga larawang sining na hindi pumasok sa 15 na napili ay maaaring kunin sa loob ng 2 buwan, kung hindi, ito ay magiging pag-aari na ng nagpatimpalak.
  • Ang mga lumahok ay inaasahang dadalo sa pagbubukas ng Exhibit at sa araw ng paghuhusga sa ika-19 ng Mayo 2008 kung saan doon matatanggap ang gantimpala.

    BATAYAN SA PAGPILI
    Pagkamalikhain .............. 30%
    Kaugnayan sa Tema .............. 30%
    Kaayusan .............. 10%
    Kakaiba .............. 20%
    Kabuuan .............. 10%

    PREMYO
    Best Creative and Meaningful Painting ....... P 10,000 + Cert
    Best in Beauty ............. P 8,000 + Cert
    Best in Unique ........ P 5,000 + Cert
    Palubag (10 katao) .... P 500 + Cert

    Download Contest Form
    Improving Agricultural Productivity
    Through Loss Prevention and Mechanization

    Pagpapaayos at pagpapayaman ng agrikulturang gawain
    sa pamamagitan ng pagbabawas sa pagkawala ng mga pagkain
    at paggamit ng mga makabago at angkop na teknolohiya

    makatapos-ani (Postharvest) - terminong ginagamit na umaayon sa mga teknolohiya tulad ng kagamitan, makinarya, tuklas-kaalaman at mga gawaing pagsasaka ng mga magsasaka mula makatapos-anihin sa bukid ang mga pangunahing pagkain tulad ng palay, mais, isda, karne at iba pa hanggang sa pagiimbak nito at maging ganap na produktong dekalidad na maipagmamalaki sa buong mundo.

    Ang Bureau of Postharvest Research and Extension (BPRE) na dating kilala bilang National Postharvest Institute for Research and Extension (NAPHIRE) ay itinatag noong Mayo 24, 1978 sa pamamagitan ng proklamasyon ng pangulo ng bansa bilang 1380 na mangunguna sa pagsasaayos at pagpapayaman ng industriya ng "makatapos-ani" ng bansa.

    Dati ang BPRE ay isang bahaging proyekto lamang ng National Grains Authority (NGA) noong 1980 at unti unting lumalawak ang nasasakupang responsibilidad na natuon hindi lamang sa mga pangunahing pagkain tulad ng palay kundi pati na rin sa pangunahing gulay, isda at karne sa larangan ng "makatapos-ani".

    Noong 1986, ang BPRE ay naging bahagi ng Kagawaran ng Pagsasaka (DA) sa pamamagitan ng Executive Order 116. at sa pamamagitan ng Rebulic Act No. 8435 ng Agriculture and Fishery Modernization Act (AFMA) ang BPRE ay inaatasang manguna na pagandahin, ayusin, pagyamanin at ipakilala ang kahalagahan ng teknolohiya sa "makatapos-ani".

    Ang BPRE ay naniniwala na ang kabawasan ng mga butil ng palay, mais, isda, karne at iba pang pangunahing pagkain sa "makatapos-ani" tulad ng pagbibilad ng palay sa publikong daan, paggigiik o manwal na pagtanggal ng palay mula sa uhay sa pamamagitan ng paghahampas at hindi maayos na paghahakot ng mga ito mula sa bukid ay isa rin bahagi na nakakaapekto ng malaki sa pag-unlad ng bansa at kakulangan sa pagkain bunsod ng lumalalang kahirapan.

    Naniniwala rin ang BPRE na ang makabagong magsasaka sa "makatapos-ani" ang siyang mangunguna sa pagpapaunlad ng yamang agrikultura na magdudulot ng kariwasaan at kaunlaran hindi lang sa ating bansa, kundi pati narin sa buong mundo.

    Isa sa atas ng tungkulin ng BPRE ay ang pagsasabatas ng mga alituntunin tungkol sa "makatapos-ani", magamit at pakinabangan ng husto ng mga magsasaka at negosyanteng magsasaka ang mga benipisyo mula sa gobyerno.

    Siguraduhin na ang mga pagkain ating kinakain ay malayo sa anumang kumakapit na sakit, nasa tamang imbakan at walang nasasayang na butil - Food Security.

    Maingatan at maalagaan ang mga pangunahing pagkain sa pamamagitan ng pagtuklas (Research) ng mga makabagong paraan ukol sa pag-iwas sa mga salot at sakit ng mga pangunahing produkto sa agrikultura mula sa "makatapos-ani" hangang ito ay maging ganap ng produktong maaaring ibenta sa palengke o sa pandaigdigang merkado.

    Extension Work - Mga gawaing panlabas, Bahagi rin ng BPRE na tulungan at turuan ang mga magsasaka at mga negosyante magsasaka sa mga makabagong paraan at teknolohiya ukol sa gawain sa "makatapos-ani".



  • See more Announcement
    Samahang Makasining (Artist Club), Inc.
    Artist Club of the Philippines
    email: info@makasining.org

    Copyright 2007 Samahang Makasining (Artist Club), Inc.

    Powered by AACC