Artist Club
gising
(by ken  6/23/2009)

Sa isip ko'y hindi magtugma,
ang puso ko'y naninikip sa tuwing bayan ko'y lumuluha,
sariling isip gamitin lubusin,
wag sayangin magandang hangarin.


Bata bata ang pag asa ng bayan,
asan ang bata lumagpak nasadlak,
musmos na kaisipa'y na mulat sa kawalan,
dahil sayo siya'y nagkaganyan.


Mga bayani lumaban nangarap,
upang tayo'y mabigyan ng sariling tahanan,
ngunit dadapwat bayan ko'y nasaan? sinakop na ng kakitiran.


Pag-ibig ko sayo bayan ko'y nasaan,
bayaning nag pakasakit upang kalayaan mo'y makamtan,
sa pag lipas ng panahon bayan ko'y nasaan,
sinakop ng kaswapangan upang iila'y yumaman.


Ipag laban karapatan ipakita karangalan,
mag kaisa tayo laban sa kasmaan,
upang ang baya'y tahimik manahan.
matigas na bato bubukol, pag pinukol sa ulo mo,
gising.







See more Literary
Samahang Makasining (Artist Club), Inc.
Artist Club of the Philippines
email: info@makasining.org

Copyright 2007 Samahang Makasining (Artist Club), Inc.

Powered by AACC