Artist Club
Kwentong CLSU
(by Antonio H. Co  9/29/2007)

Sa lahat ng mga Taong nagmamahal at may kaugnayan sa Alma Mater nating CLSU:

Alam ko na ang mambabasa ay higit na napupukaw ang pansin kung ang babasahin ay may bahid man lamang ng kaugnayan sa kanyang sarili at ala-ala.

Ano pa nga ba ang maaring pag-usapan sa tulad ng CLSU Alumni groups o Forum, kung hindi mga paksang naaayon sa panahon, mga katauhan at lugar na ating pinanggalingan o kasalukuyang kinatitirikan, tulad ng CLSU, di ba?

Narito ang aking unang hirit.

Sinipi ko ang ilang buod ng kuento sapagkat higit na maaliwalas at kagiliw-giliw kung ito ay inyong tutunghayan sa aking blogsite dahil sa maayos na pormat at kulay ng paligid ayon sa pagkakalatag.

Ang kuento ay hindi lamang nakatuon sa persona ni Dr. J. L. Tabago, maraming eksena at tumpak na pangyayari na tiyak na kikiliti sa inyong ala-ala.

Sige, magbasa na sa http://caramoan-kanvar.blogspot.com

Ang inyong lingko po lamang,

Antonio H. Co
BSAen'85 - CLSU


Thursday, September 27, 2007
Isang pagpupugay kay Dr. JOSE L. TABAGO, PhD


excerpt......
Sa aming ika-apat na baitang sa kolehiyo, araling taon 1983-84, unang pagkakataon naming nakilala si Dr. Jose L. Tabago, na noon ay sariwang-sariwa pa galing sa katatapos na pagpapakadalubhasa sa Oklahoma State University.

excerpt ....
Si Dr. Jose L. Tabago ang nagdala ng kauna-unahang kompyuter sa College of Engineering.

Si Dr. Jose L. Tabago ang nagmulat sa Batch namin ng tuwirang pagkilos para sa pangangalaga ng kalikasan.

excerpt ....
Sa panahong 1983, wala pa masyado sa kamalayan ng mga mag-aaral ng CLSU ang tungkol sa personal computer. Si Dr. J.L. Tabago, bitbit ang dating gamit na kompyuter sa OSU, o sige, Oklahoma State University na nga. Buong giting na ipinagmamalaki niya sa harap ng buong klase ang kagilagilalas na kapangyariyan ng komputer nya sa bilis mag proseso ng letra at numero. Isinalarawan ni Doc na sa pamamagitan ng diskit ng komputer, maitatago mo dun ang maraming aralin na kung susulatin ay katumbas ng isang baol na papel na kaybigat bit-bitin.

excerpt ....
Napapanganga kami lahat. Ang hawak lang naming kompyuter ng panahong iyon ay casio calculator. Feeling nga namin mas hi-tech na nga panahon namin kumpara sa mga alumni na naging mga instructor na rin namin. Sila yun mga nagsipaggamit pa ng sliding rule, at itago na lang natin sila sa mga pangalang, Dr. Ireneo at Melissa Agulto, JV dela Cruz, Romeo Gavino, Nestor Candelaria, Arman Espino, Tito Aguinaldo, Ed Cayabyab, Francis Cuaresma, Benjie Gargabite, Emmanuel Sicat, James Mata, at Theody Sayco.

excerpt ....
Palagay ko nga, baka ang ninunong kompyuter na yun, di pa makapagpatakbo ng maayos sa spreadsheet program na supercalc or multiplan. Ha ha ha ha ha! Nagagamit lang yata yun sa Wordstar. Ha ha ha ha ha! Ang motherboard nun nasa kilobyte pa lang ang memory. Ha ha ha ha ha!

Ang mga halakhak na yan ay hindi isang panunuya, bagkos ay diwang aliw na aliw sa abang simulain ng kompyuter sa CLSU. Hindi man lang nabawasan ang pagkilala ko sa dakilang simulain na sinindihan ni Dr. Jose L. Tabago. Sa ganang akin, hindi mahalaga kung sino ang naka-imbento ng mag-wheels. Higit na may pabuya ang nakatuklas ng paggamit ng gulong. Ngayon, ang kamalayan ng mga taga CLSU sa kompyuter ay higit nang naglalagablab.

Susunod… ang pagiging makakalikasan ni Dr. J. L. Tabago. Abangan..



See more Articles
Samahang Makasining (Artist Club), Inc.
Artist Club of the Philippines
email: info@makasining.org

Copyright 2007 Samahang Makasining (Artist Club), Inc.

Powered by AACC