Artist Club
LIHAM NG ISANG ALUMNI
(by Lucky Pascual San Pedro  1/1/2009)

Dala ng munting pangungulila, ang mga sumusunod ay naisa-akda ng inyong lingkod ng makata. Sana ay mabigyan ng kahit kaunting pagpapahalaga….( Natapos alas –dos pasado ng madaling araw, ika-22 ng Agosto, 2007)

LIHAM NG ISANG ALUMNI

Dear kaka,

Katatapos lang final screening ng batch 37, ang saya ko nang mga sumandaling iyon dahil sa dalawang bagay. Una, nadagadagan na namn tayo ng anim na miyembro; at huli nagkasama-sama na naman tayong muli.

Ngayong narito na naman ako sa Manila upang magpakadalubhasa sa pagrereview, hindi matino ang isip kung alalahanin ang bawat minutong magakakasama taypo….

Bumalik na anaman sa ala-ala ko ang mga panahong nag-iiyakan kaming mga miyembro na siyang nagpatibay nang lalo sa samahan. Ngunit mas nananariwa sa isip ko ang mga araw at lingo na nag-iinuman tayo; nagtatawanan; nagpupuyat sa pagdidisenyo ng stage; pag-print ng T-shirt kila Sol; paggawa ng AC-Booth tuwing Students’ day at mag-hehenna; pag-iingay sa miting; pagkain ng kung anu-ano sa mga Mega; pagtambay noon sa boarding house nila Grace, Mergie, Harvey at sa inyo na rin, pagpunta ng Blue Lights; pag-vi-videoke; idagdag pa ang sunod-sunod na tagpo sa S.O. night at Lantern sa CLSU at mga nagdaang Anniversary sa Taramindo’s at Barrientes Resort; at nariyan pa ang pag-akyat sa Mt. Arayat at pagbisita sa mga kapatid natin sa Dingalan Chapter, Dingalan, Aurora…

Hay… talaga yatang mahirap kalimutan ang samahan! Kahit anong gawin ko ngayo’y pilit dumadampi sa puso ko ang mga ala-alang pinanday ng panahon sa tatag at balangkas ng pinupuring kapatiran.

Kung alam mo lang kaka, kung paanong ako’y sa inyo ay nangungulila….

Tumatak na sa ulo ko ang mga expression na ‘di mabitiw-bitiwan ng mga miyembro. Lagi ko na lang nasasambit ang katagang “tara ng mag-i…”, ni Brother Kim ng Dingalan at sasaliwan mo pa ng “aheeee!!”. Napulot ko rin ang litanya ng karamihang “wag kang mahiya ka!!” na galing pa’ata sa CLSU at “ituring mong bahay mo ba’to” na ultimo mga taga-Dingalan at NEUST ay alam na alam. Pati’ata si Pokwang at Toyang ay alpabeto na iyon kung lapatan.

Hindi rin mawawala sa alaala ko ang ating mga walang humpay na tawanan. Mula Bulacan, Dingalan hanggang Pantabangan ay siguradong ninanamnam. Mga simpleng banat na jokes na paikot-ikot lang subalit talagang ika’y tatamaan. Mukhang ‘di na nga pumapasok si Ka Roger, marinig lang sa inyong apartment ang iyo’ng pag-aktong Mr. Bean na talaga naming ika’y kakabagan. Isaliw pa sa umpukan ang dalagang kung tumawa ay walang katapusan (si Denn). Sina Bunsong Marianne, Daniel, Ferdie ay aliw na aliw din sa nakakalokong mga palaisipan…ganun na ‘ata talaga tayong mga alagad ng kasiningan, ultimo dahon ng mangga ay nagagawang paglaruan.

Nakakabaliw ang bawat tagpo n gating kamayan. Kahit kaaararo’y hindi mahahadlangan sa ating pagkakakilanlan.

Pagkain man ay hindi uurungan kahit walang pinggan. Salu-salong nagkakamay kahit deap sea at alamang ang nasa hapag kainan ( may hapag ba? ). Kahit mabilaukanay tuloy pa rin sa pagtanggap ng biyayang nasa harapan.- Kulturang kinultura na ng Makasining na samahan.

Nakakalungkot nga lamang dahil tayo rin ang may kanya-kanyang buhay… si kuya Sammy na isa ring alumni, inumpisahan ang Pacto de Sangre na sa atin ay naisalaw. Dugong iniugnay, patunay ng pagmamahalan. Maging ang amangpintor nga ay ginamit ang sariling dugo, magapinta lamang. Isang katunayan na pagiging deboto sa sining ay ating isinasabuhay.

Ilang bagyo na rin sa samahan an gating naalpasan. Ang mga luhang pumatak ay hindi nasayang…bawat patak ng kandila sa kamay…ang paghahawak-hawak ng mga kamay.

Inisip ko rin noong tumiwalag sa AC dala ng suliraning sumubok sa aking katauhan. Ang pagmamahalang Ren-Claire-Lucky…

Gulong-gulo ang isip ko noong pati mga miyembro ay nadama. At kung nagagawi kayo sa USG student center, isang slogan roon ay imahe naming tatlo… panahon kasi ‘yoon ng aming damdaming purosugatan. Isang tagposa freedom park ang gumulat sa mga miyembro…doon nagsimula ang malawakang problema ng NEUST chapter. Sumubok sa relasyong-kapatid sa amin ni Renjay. Isama ko na rin ang hindi pagpayag ni Gherwin at Crisol sa aking pagbitiw.

Bumuhos ang mga luha ko noon nang hintayin nila ko sa aking room nang oras n gaming uwian. Ilang lingo kasi ako hindi sumipot sa pulong ng samahan. Mga scenariong emosyonal na nagpapaalala sa akin ng kapit-kamay sa madilim na paglalakbay.

Hanggang isang araw, nagising akong nananaginip lang. ang mga bakas ng kalungkutan ay unti-unting natabunan ng umagang kay gaan-gaan.

Ulirat na si Harvey sa papanik-panaog sa kanilang tahanan. Huling final kasi ay sa kanilang idinaos. ( Macatbong, Cabanatuan-August 18-19, 2007).

Umaalulong na si Jimuel sa tanong na 1 million times 1 million; si Joseph naman ay nakatindig rin sa pahirap na araw. Halos lahat ay umiyak sa tanong na pag-aaral o pabigat sa samahang makasining. Dangkasi’y mas mabigat ang batong sa eysi ay isinalarawan.

Mahirap wariin ang hiwagang bumabalot sa club. Kapag wala nang makaunawa sa akin, kapag walang nakaiintindi at kapag lahat na lang akin gawin ay mali…iisa lang ang nagbibigay sa akin ng ngiti, pagmamahal at pag-asang makapagpatuloy sa lakbayin…iisa lamang ang Artist Club na pamilyang tinuran na lagging nariyan, handing dumamay..minamahal ko at minamahal rin ako…iyon ang hiwagang nabubuhay, dumadaloy kailanman!

Hindi pa nga pala tapos ang gingawa kong sariling dibuho. Nagkulang kasi ako ng pigmiyentong kulay berde. Isang mantas na napakaluntian.

Naalala ko tuloy ang gabing maliwanag ang buwan, sa may dalampasigan kasama ang mga taga-Dingalan (Kuya Rhod, Frank, Ryan, Kim, Grace, Glenn, Edu, Kuya Ontot, Jaime, Elvis, Alpha, Sarah, atbp.) habang umiinom ng Kuatro-kantos at naggigitara sa saliw na “ Masdan mo” ng grupong Asin. Doon ko naramdaman ang kanilang mga hinagpis sa minamahal na kalikasan. Ilang buwan pa lang ang nakalipas nang salakayin noon ang lugar ng bagyong Violeta at Winnie. Nagkalat ang mga trosong galling pa sa kabundukan ng Sierra Madre. Isang pag-aalsa ng Inang kalikasan na inosente ang siyang naapektuhan. Isang pighating bakas na bakas ko bawat patipa’t pagkalabit ni Kuya Edu sa mga kuwerdas ng gitara. Isang gabing malamig sa piling ng inabusong kapaligiran.

Kalian kaya uli ako makakasama sa pagtitipon ng samahan? Masisilayan ko pa kaya ang pagyabong nila Pokwang, Eric, Loisa, Jimuel, Prine, Josephine, Rochelle, at ng lahat ng bago sa pag-awit ng tamis ng kapatiran? Kailan kaya ang huli? Kalian kaya ang pagtining ko sa pag-indak sa ulayaw ng samahan?

Nais kong hindi lamang hindi ito makalimutan, bagkus ay dumungaw ako hanggat may pumapalaot na sining sa aking mga kamay…

Ang lahat ng naranasan ko sa Artist Club ( established 1982 ) ay hindi pa sapat upang makalikha ako ng isang nobelang magbubuod ng lahat. Patuloy kong lalanghapin ang mga sariwang hangin na sa akin ay nagbibigay giliw.

Sapagkat Kuya Kaka, walang batayan upang tuldukan ko ang mga araw na hindi dumadampi sa aking paletang ipinagkaloob n gating kapatiran.

Sa alab ng Sining at Kultura,
Lucky Pascual San Pedro
Batch 32, NEUST chapter

* P.S. ayoko pang bansagang Alumni




See more Articles
Samahang Makasining (Artist Club), Inc.
Artist Club of the Philippines
email: info@makasining.org

Copyright 2007 Samahang Makasining (Artist Club), Inc.

Powered by AACC