Sa king mga kasama sa sining, magandang araw, nawa`y biyaya ng maykapal ang sa atin ay bumungad. Hindi lingid sa atin ang nangyaring trahedya sa ating mga kababayan. Dahil na rin sa kapabayaan, pang-aabuso sa kalikasan at katigasan ng ulo ng mga tao. Nawa`y magsilbing aral sa bawat isa sa atin ito.
Alam kong bawat isa sa atin ay may responsibilidad, lalo na sa ating inang kalikasan. Tayo`y isang alagad ng sining at may tungkulin tayong pangalagaan ito. Kung kayat nais ko sanang magkaroon tayo ng proyekto ng pagtatanim ng mga munting puno.
Sa ating mga nakakalbo ng kabundukan. At ito ay hindi ko maisasakatuparan ng nag-iisa, nais ko sanang sa ating sarili magmula ang magandang hangaring ito. Umaasa rin ako na susuportahan ng ating iba pang mga kasama ang munting proyektong ito... Salamat.
....kalawang
|