Artist Club
Sining Noon, Sining Ngayon, Eh Ano bukas
(by Melchor R. Cabungcal  9/18/2007)

Kapag sinabing sining sa mabilisang isip ang papasok sa isang simpleng tao na nakakaintindi ay likha sa pamamaraan ng pagpinta, pag awit at pagsasayaw. Bata pa lang ako ang unang pumapasok sa isip ko ay painting o sketch. Sa pagdaan ng panahon o sa panahon ng aking buhay sa ngayon ay nabigyang diin o linaw ang tunay na kahulugan ng sining sa ating lipunan na ang sining ay malayang pag papakita ng damdamin ng isang alagad ng sining sa kung anu mang bagay o pamamaraan niya naipapakita. Ngayon ang may makita kang bagay na kakaiba sasabihin it made by art o kadalasan ay arts yan, kapag di naintindihan sasabihin sa iyo di ka ba marunong umintindi ng art ha! o sa slang na pananalita, You cannot appreciate true meaning of art.

Sa aking pananaw parang bumababa ang uri ng pagkakilala sa salitang art na dati ito ay napaka halagang bagay na di natin maitatanggi ngunit sa panahon natin bilang mga alagad ng sining ay sabihin na natin na medyo iba na ang takbo ng isipan ng mga tao kung papano i appreciate ang sining. Kailangan pa na magsagawa ng isang exhibit para maipakilala ang gawa ng maliliit na alagad ng sining, na kung di pa nanalo o napansin sa nasabing patimpalak o anumang exhibit ay di pa makikilala. Para sa aking sariling pananaw di kailangan na makilala tayo sa mga mararangyang pagtitipon para ipaalam kung anong klase sining ang nais nating ipa batid sa mga tao. Kaya sa tulong ng makabagong teknolohiya tulad ng Website ng SMI ay naipapakilala at nagkakaroon ng komunikasyon ang mga alagad ng sining sa ating panahon. Ang Sining ating panahon ay nahahaluan ng medyo mababang pagkakakilanlan dahil di batid sa atin ang paglapastangan sa uri ng mga sining ng ibang gumagawa, atin sanang bantayan ang tunay na kahulugan ng sining.

Di kailangan na tangkilikin ng masa di kailangan magustuhan ng lahat kaya ang iba ay gumagawa ng medyo di tama o medyo malaswa o nakakababa ng dignidad para mapansin lang ng madla. Papano ang sining sa bukas, isang tanong na medyo weirdo pero totoo kung nakikita ngayon sa paligid ay pabagsak ng pabagsak ang pagkakakilanlan ng tao sa sining, ang araw araw na napapanood sa mga telebisyon bangayan dito bangayan dun mula sa mga taong ating ginagalang sa larangan ng sining ang mga palabas na lumalayo sa totoong buhay ang tunay na kahulugan ng buhay! papano pa bukas kaya kung ngayon palang ang karamihan sa mga alagad ng sining ay nagsisiksikan sa avenida na halos i bargain ang kanilang sining sa mga tao, mahirap isipin pero totoo, di natin masisisi dahil sa hirap ng buhay sa ating panahon. Papano ang sining bukas kung di masyado nabibigyan ng pansin ng mga namamahala. Papano ang sining bukas kung minsan di napapansin ang ating pinaghirapan. Papano ang sining bukas kung iba na ang tingin dito. papano ang sining bukas kung di na sining ang tawag dito.

Papano ang sining bukas. Sana bukas pamarisan tayo ang ating Samahan. kaya mabuhay ang SMI.

Naisulat ko nung dumaan ako sa sta. cruz pumipili ng aklat na mura tungkol sa sining. nakabili ako sa halagang 150 pesos pero kung bibilin sa National bookstore ay halagang 1500. kaya dun na ako bumuli medyo malabo na ang mga litrato pero ubra pa naman.



See more Articles
Samahang Makasining (Artist Club), Inc.
Artist Club of the Philippines
email: info@makasining.org

Copyright 2007 Samahang Makasining (Artist Club), Inc.

Powered by AACC