Artist Club
Larong TsekTsok
(by Elito V. Circa  12/6/2008)

Ayon sa sabisabi ng mga matatanda sa bayan ng Pantabangan at ayon kay Ber Dela Merced, ang larong ito ay base sa labanan ng mga tribu noong unang panahon. Kalimitan bawat labanan ay may nabibihag at gumaganti lalot may inutang na buhay. Sa pagdaan ng panahon, nararanasan pa rin ito subalit hindi na sa tunay na buhay o tunay na labanan ng tribu sa tribu kundi sa mga laro ng lahi.

Sa larong ito may dalawang grupo na binubuo at sa bawat grupo may kasapi na kahit ilan depende sa napag-usapan ng tumatayong lider ng grupo. Kalimitan nasa lima (5) hanggang sampu (10) bata ang bawat grupo na may edad 10 pataas. May “homebase” o lugar ang bawat grupo na ginuhitan sa pamamagitan ng patpat na nasa 10 meter ang layo ng bawat isa. Tatagain sa pamamagitan ng kamay, katawagan sa paraan ng paghuli ng tatayain. Maaaring tagain sa katawan o sa likod.

Sa simula paremanuhan muna kung sino ang “taga” o (taya). Ang panalo sa paremanuhan ang siyang unang magpapain ng isang kasama upang habulin ng taya o ng “taga”. Tatakbo pabalik sa lugar ang pain kapag siya ay tatayain o tatagain na, kailangang tagain ito bago makabalik sa kanyang lugar. Subalit ang mga hahabol mula sa tayang grupo ay tatagain rin ng mga kasamahan ng ipinain. Kung sino ang mataga ay siyang aalisin na sa bawat grupo o mamamahinga muna. Ubusan o kailangang maubos alin man sa grupo ang mga kasamahan. Kung sino ang maubos siya ang talo.

Sa huling yugto ng laro, kalimitan ang talunan na grupo ay pinipitik sa tainga o tinatawag sa bayan ng Pantabangan na “pultik-bulag”.




See more Articles
Samahang Makasining (Artist Club), Inc.
Artist Club of the Philippines
email: info@makasining.org

Copyright 2007 Samahang Makasining (Artist Club), Inc.

Powered by AACC