naglalakad ako sa kawalan nang aking mapansain huwad na gintong singsing
ibig ko sanang pulutin ngunit takot akong pagtawanan ng mga nasa paligid kong mga huwad na kaibigan
sinikap kong magkunwari iginuhit kong pilit ang ngiti sa aking mga labi
nagpaalipin ako sa huwad na damdamin kaya`t naging sunud-sunoran sa liku-likong katotohanan
hindi nagtagal sa bayan ng mga taong hangal ako`y nakilala`t unti-unting nagkaroon ng dangal
akala nila ako`y nasisiyahan di nila nalalaman sa likod ng maskara bumabalong ang luha sa aking mga mata.
originally posted at: http://blographics.wordpress.com/2008/11/16/huwad-na-damdamin/
|