Artist Club
GMA7 Lovely Day nagpatulong sa pagdodokumento ng laro ng lahi

Oktobre 3, 2008 nagpatulong ang GMA7 sa pamamagitan ni Godjoy producer ng Lovely Day sa pagdo-document ng Larong Pinoy sa lungsod ng San Jose City. Sa tulong rin ng mga guro sa pangunguna ni Ginoong Rolly Macalinao principal ng Bliss Elementary School ng San Jose City at ng AC Municipal Chapter ng San Jose City sa tulong ni Angelo gania Board Executive Director ng samahan at ilang mga kasapi ng naturang sanagy, matagumpay na ginanap ang nasabing palaro at mga pagdo-dokumento.

Isinahimpapawin sa GMA7 TV ang dokumentong ito noong Oktobre 11, 2008 sa ganap na 10:00am binanggit rito kung paano pinagpapahalagahan ng Samahang Makasining(Artist Club) Inc. ang pag-iingat at pagdodokumento ng mga nawawawala nang mga laro ng lahi. Ang ilang video ng sulyap 2001 na laro ng lahi ng samahan ay ipinakita rin sa naturang palabas at ilang interview kay Elito Circa board chairman ng samahan.



Click this to see more photos



See more News
Samahang Makasining (Artist Club), Inc.
Artist Club of the Philippines
email: info@makasining.org

Copyright 2007 Samahang Makasining (Artist Club), Inc.

Powered by AACC