Artist Club
Pagsaliksik
(by G Circa Barcelo  10/13/2008)

sa aking pagmumuni muni;

ikinampay ako ng abuyo ng hangin;

humantong sa paanan ng madilim na kagubatan;

natisod ko ang batong buhay;

at pumasok sa pinto ng liwanag;

pumukaw sa aking mga mata;

naglikaw likaw na baging;

pagsaliksik ko;

naligaw sa masalimuot na landasin;

iwinahi ang mga ligaw na tanim;

umupo sa tabi ng putog;

sumilip ng malulusutan;

naakit ako sa ningning ng batisan;

ikinawkaw ang mga paang putikan;

tulad ng mga dahong nalaglag;

nagpatalan;

nagpalutang lutang;

napasabit sabit sa mga kakayuhan;

lumalagaslas sa matuling agos;

binangga banga ang mga batuhan;

pagsiyampad sa kaduluduluhan;

walang wakas ang hangganan.

parang isang ibon sa alapaap;

umaaligid aligid sa tuktok ng talon;

nakisalimuha lumundag sa gitna ng layon;

umahon at iwinagwag ang tumutulong mga pakpak;

pabaling baling;

tumingala;

sa aking pagkamangha!

bumulagta sa aking paningin;

nakatindig!

isang matarik na punong kahoy;

ang sinag ay nagliliyab;

matibay ang kilatis;

matapang ang hudyat;

malago ang mga dahon;

nalulukuban niya ang buong kalikasan;

sinubukan kong akyatin;

umakyat sa kanyang mga sanga;

hindi nakatagal;

ramdam ko ang mga sundot ng tinik nito;

napaangat ako sa aking pagkagupiling;

ako'y nanaghoy;

nagpaalam;

muling lumipad sa himpapawid.


By Talulot
Oct 13/08
Daan ng Hagikgik
Purok ng Binagoongan
Nayon ng Bulubundukin
Bansa kong Pilipinas




See more Literary
Samahang Makasining (Artist Club), Inc.
Artist Club of the Philippines
email: info@makasining.org

Copyright 2007 Samahang Makasining (Artist Club), Inc.

Powered by AACC