Artist Club
Tik-Tak-Bo Short Film nanguna at humakot ng parangal

Cabanatuan City-Mega Center Cinema kung saan ipinalabas sa big/wide screen ang lahat ng mga lahok na short film na nagmula sa iba`t ibang paaralan sa buong Nueva Ecija.

Ang ESIHAS 3rd Digital Festival ng Department of Education (DepEd) ay isag proyekto na pinapangunahan ni Dr. Erickson Sabacan (ES-I ICT Supervisor) na nag-aangat ng antas ng kaalaman sa larangan ng sinema o film making ay isang maituturing na epektibong paraan sa paglilinang ng talino ng mga lokal na guro, estudyante at ilang pangkaraniwang mamamayan na bahagi nito.

Umabot sa halos 20 mataas na paaralan ang lumahok at anim (6) lang ang napili sa huling paghuhusga. Sinimulang ipalabas ito sa big screen noong Oktobre 27 hanggang Nobyembre 12, 2008 at Nobyembre 13 ng gabi pinarangalan ang tatlong (3) short film na napili.

Ang TIK-TAK-BO ay nagkamit ng unang gantimpala o pinakamataas na pagkilala sa pangkalahatang parangal na "Best Picture" bukod sa mga natanggap na kakaibang pagkilala sa pagkakaugnay nito sa temang pamilya, Maykapal, kalikasan, paaralan at lipunan (Social Relevance). Tumanggap rin ito ng best screenplay, best film editor, best solo performer at major award na best actress.

Ang TIK-TAK-BO ay nabuo mula sa pilosopiya ng isang artist na si Amangpintor tungkol sa estado sa buhay, prinsipyo sa lipunan at paniniwala sa susunod na buhay, pinangtulungan isulat ng mag-asawang Eito Circa -SM(AC)I Board Chairman at Teresita Circa - RIACT Grand Master Artist ng Rizal National High School (RNHS) sa Direction ni Teresita Circa at sa production ni Arnel Ferriol - guro at ICT Coordinator ng RNHS at Leonila Jacinto punong guro ng RNHS at mga nagsiganap ay mga estudyante at guro ng naturang paaralan na sina Abegail Agpalo-best actress, Darius Angelito-best actor nominee, Antonio Aias at Gerlie Matic at lyric/composer ng film theme song, Mark Antony Pascual - best Solo Performer.

Ang mga hurado ay binubuo ng mga kilalang tao sa AMA Computer, Cultural Center of the Philippines, Abs-Cbn Senior Writer at mga ICT Coordinator ng DepEd ng Nueva Ecija.

click this for more photos during award night...

Matutunghayan ang preview ng short film sa http://www.youtube.com/amangpintor



See more News
Samahang Makasining (Artist Club), Inc.
Artist Club of the Philippines
email: info@makasining.org

Copyright 2007 Samahang Makasining (Artist Club), Inc.

Powered by AACC