Artist Club
Larong Buwan-buwanan (Taguang Buwan)
(by Amangpintor  12/5/2007)

Ang larong ito kalimitang makikita sa mga liblib na lugar o sa baryo. Sa paraang pagpapasapasa ng itinatagong batong puti, naniniwala ang matatanda noon na sa paglalaro nito natututo ang bata na makisalamuha at malinang ang saliri sa pakikipagkapwa tao. Dahil sa bihira noon ang may kuryente sa bahay, ito ang madalas na libangan hindi lamang ng mga bata kung pati narin ng mga may idad na 18 pa baba. Nakakalinang din ng pag-ibig sa pag-itan ng dalawang bata kahit sa murang isipan pa lang.

Kalimitan binubuo ito ng dalawang grupo na may limang (5) bata bawat grupo. Bawat grupo may tumatayo na lider o nanay-nanayan na siyang nakikipag-usap, maghahanap o huhula kung nasaan o nakanino na ang batong buti.

Sa simula, paglalabanan kung sino ang mauuna sa laro sa pamamagitan ng paghuhula sa bato kung nakanino o sa pamamagitan ng paghagis pataas ng tsinilas kung ito ay tihaya o nakataob.

Ang nanalo ay siyang unang magtatago ng batong buti, ibibigay ito ng lider sa unang bata na nakaupo at nakahilira kasama ng 5 bata, ipapasa kunwari ito ng lider sa susunod na bata hanggang sa ika-limang bata. Sa una pantay pantay ang mga bata na nakaupo lahat. Ang lider ang naghahatid nito sa mga nakahilirang mga kasama.

Kapagnakatago na ang bato, huhulaan o hahanapin na ng lider ng kabilang grupo. Isang hula o isang turo lang kung sino ang nagtatago ng bato, kung sakali na hindi tama ang itinurong bata, lulundag ng isa ang batang yaon patungo sa huling guhit.

Kung sakali naman na nakita ang bato sa isang bata, ang bata na nakitaan ay uurong ng isang hakbang patalikod at ito ang hudyat ng paglipat ng taya. Kung sakali rin na nahulaan na nasa lider ang bato, uurong ng isang hakbang ang lahat niyang kasama.

Sa huling yugto ng laro, lahat dapat ng bata na kasama sa grupo ay dapat na makarating sa huling linya. At sa mga natalo, may katumbas na parusa ayon sa napagkasunduan bago ganapin ang laro.



See more Articles
Samahang Makasining (Artist Club), Inc.
Artist Club of the Philippines
email: info@makasining.org

Copyright 2007 Samahang Makasining (Artist Club), Inc.

Powered by AACC