Artist Club
Anibersaryo ng Dingalan Municipal Chapter naging kakaibang saya

Ang Dingalan Municipal Chapter sa lalawigan ng Aurora ay nagdaos ng ika-4 na taong anibersaryo noong Nobyembre 8, 2008 sabado sa Rrestas Paradise Natural resort sa bayan ng Dingalan.

Pinangunahan ito ng pagbibigay ng mensahe ng Pangulo o Grand Artist ng kasalukuyang taon na si Frank A. Dumaya, Rhod Gamatan - Grand Master Artist, Jeo Nombrere - Grand Master Artist at ilang advisers at mga officers ng naturang sangay.

Nagsidalo rin ang ilang mga kasapi ng NEUST Chapter, Dingalan Young Artist Club at ilang mga alumni ng sangay. Humabol rin ang Board Chairman na si Elito Circa, Vice-Chairman na si Cesar Macalinao at Board Member Roberto Ramos. Nagbigay rin sila ng maikling pananalita at nakiisa sa mga palaro ng naturang sangay.

Karamihan hindi na natulog, inubos ang buong gabi sa mga kwentuhan, pagpapalaro, pagbababad sa swimming pool at pag-awit sa videoke habang nagsasayawan ang lahat sa mga rock na awitin ng isang aplikanteng professional na singer. May sabayan rin pag-awit ng lahat habang nagsasayawan na nakapaikot, nagwakas lang ang matagal na awitan sa pagkasira ng kable ng microphone.

Magugunita na ang Dingalan Municipal Chapter ay itinatag noong Nobyembre 6, 2004 sa pangunguna ng masipag na si Rhod Gamatan alumni ng NEUST Artist Club Chapter at sa tulong nga mga Pioneers na mga kasapi sa gabay ng Board of Trustees ng Samahang Makasining (Artist Club), Inc. ng naturang taon.

Ngayon taong masasabing lalo pa itong nagiging matatag, lumalawak at dumarami ang mga kasapi. Naging pangunahing grupo rin na tumutulong sa mga proyekto ng bayan ng Dingalan sa pagtataguyod ng pangangalaga sa kalikasan, Tumutulong sa mga mamamayan sa pagbibigay ng kagamitan sa oras ng kalamidad at gumagabay sa mga kabataan sa pagmumulat sa pagmamahal sa kalikasan at pagtuklas ng talino sa larangan ng sining.

Click this to see more photos



See more News
Samahang Makasining (Artist Club), Inc.
Artist Club of the Philippines
email: info@makasining.org

Copyright 2007 Samahang Makasining (Artist Club), Inc.

Powered by AACC