Pilit akong sumasabay Sa kampay nitong buhay Sakripisyo ang kinakaya Dahil may may pananampalataya Mga pagsubok kinakaya Sana nga bukas may mapala.
Sungkit sa pangarap Kahit na nga ba mahirap Ako’y nagsisikap Pilit na hinahagilap Matamasa ang sarap Ang ilaw man ay aandap-andap.
Sna ako’y tulungan Nang aking makayanan Ganitong kalagayan Lubos sanang malagpasan Puspos kong pagsusumikapan Nang makita ang kahihinatnan.
Tatag at determinasyon Aking solusyon Anong bigat man ng sinusuong Pilit akong yayaon Ano man ang panahon Sasamahan ako ng PANGINOON!
14 Jan 2009 9:45pm
|