Artist Club
EYSI Riders: Lakbay para sa kalikasan, Sining sa mga batang lansangan

Ang Samahang Makasining(Artist Club), Inc. ay nagdaos ng isang proyektong lakbay para sa kalikasan at sining para sa mga batang lansangan sa probinsya ng Ifugao sa bayan ng Banawe, noong ika-25 hanggang 26 ng Abril, 2009. Layunin nito na maipakita sa mga miyembro ang kagandahan ng kalikasan, kung paano ito mapangalagaan, at mamulat sa kultura ng ifugao. Layunin din ng proyekto magkasama-sama at mabuo ang kapatiran at damayan sa loob ng samahan.

Kaakibat ng proyekto ay ipaunawa ang sining sa mga batang kalye, tulad ng pagbibigay ng lapis at pangangalap ng mga impormasyon tungkol sa mga kulturang taglay ng mga batang naging laman ng lansangan, mga bata na sa murang kaisipan ay nagsisimula nang maghanapbuhay, sa pamamagitan ng kulturang kanilang nakagisnan ang sining ay kanila ng napapakinabangan.

Nilahukan ito ng mga ilang miyembro mula sa CLSU Mother chapter, San Jose City Municipal chapter, CTC chapter, mga alumni at Board of Diretors ng samahan.

Sa tulong pinansyal ni brod Valerei P. Meman, isang aktibong alumni ng Artist Club (CLSU mother chapter), Board Members at ilang alumni nagkaroon ng libreng kasuotan(sweatshirt) ang mga manlalakbay, pagkain at tulugan.

Click this for more photos




See more News
Samahang Makasining (Artist Club), Inc.
Artist Club of the Philippines
email: info@makasining.org

Copyright 2007 Samahang Makasining (Artist Club), Inc.

Powered by AACC