Napangiti ako, habang tayo´y magkasama. Napatitig, sa kawalan mo ng malay.
Umawit ako, taimtim ksng nakikinig. Kahit hindi kapuna-puna, pinilit kong umawit.
Akoy napatila, habang tikom ka. Hanggang mapaluha, ako´y iiwan mo na.
Umusad luha ko, habang hawak yaong kamay mo. Kaya´t ng aking mapagtanto, nalagot yaon puso.
Nakangiti ka pa, habang nagpapaalam. Hanggang maparoon tayo, sa iyong himlayan.
|