Artist Club
Tradisyon isang inspirasyon
(by Mislang  1/4/2009)

Malaki ang aking paggalang sa isang samahang may pagpapahalaga sa pinagmulang tradisyon dahil ito ay nagtututulak para lumikha ng inspirasyon sa bawat nagnanais maging kasapi ng isang samhan.

Mangyari lamang na ingatan natin ang tradisyon umukit sa SMI(AC)I sa mahabang panahon. Sa aking pagmamasid sa nangyaring pagtanggap sa sanjose malinaw na hindi ito napaghandaan ng pamunuan upang maipakita sa bagong aplikante ang kahalagahan at kahandaan ng programa. Sa kabuan maaring maganda ngunit sa malalim na pagsusuri hindi naisalin ng maayos ang mga dapat isalin na detalye.

Katulad ito ng isang pagpinta sa kanbas na kung ano ang nakikita ng mga mata ay siyang nailalahad na detalye sa kanbas. Umaasa akong maging makabuluhan ang bawat pagtanggap dahil ito ang pundasyonng ng inspirasyon...maingatan at maisalin ang ating tradisyon sa mga bagong aplikante o nagnanais maging kasapi ng samhan at maging huwaran tayo ng mga batang bagong sibol sa sining.

Salamat at kabilang ako sa tradisyon ng SMI(AC)I at kasama ako sa inspirasyon ng samahan.




See more Opinion
Samahang Makasining (Artist Club), Inc.
Artist Club of the Philippines
email: info@makasining.org

Copyright 2007 Samahang Makasining (Artist Club), Inc.

Powered by AACC