Artist Club
SINING AT KULTURA WORKSHOP SA GUIMBA
(by Rey R Lorenzo  2/6/2009)

Naikasa na ang SINING AT KULTURA WORKSHOP sa darating na Pebrero 28, 2009 sa KNIGHT OF COLUMBUS,Guimba, Nueva Ecija, ganap na ika-8 ng umaga hanggang ika-4 ng hapon. Ito ay pangungunahan ng ating mga butihin at batikang tagapagturo na sina ELITO CIRCA, CES MACALINAO, NOEL DUMLAO, at MARK LIBUNAO.

Layunin nito na makapagturo ng 50 kabataan ng Guimba, NE. at malinang ang kanilang angking talino. Pangarap din ng Guimba Artist Club na makahikayat ng bagong kasapi sa pamamagitan ng WORKSHOP na ito upang sa darating na Marso 28, 2009 ay maging aplikante ng grupo.

Ang inyong presensiya ay makabuluhan para sa bagitong sangay ng Guimba Municipal Chapter kailangan namin ng gabay at suporta ng samahan.




See more Announcement
Samahang Makasining (Artist Club), Inc.
Artist Club of the Philippines
email: info@makasining.org

Copyright 2007 Samahang Makasining (Artist Club), Inc.

Powered by AACC