Nakakalula ang taas ng ere Kaya di ako mapakali Hinahalukay kasi Bitukang dilis Di sanay kasi Sa imported Na chocolate.
Nakakalula kaya natutulala Lulon ang dila Kaharap kasi banyaga Pilit ginagaya Slang ng kano Slang ng Briton Nakakapikon
Nakakalula luwa ang mata Sa upuang di kanya Pinahiram lang ng madla Ayaw ng umalagwa Marami kasing pera Naibubulsa Napakatimawa
Nakakalula nakakasuya Paulit-ulit na istorya Sa dami ng medalya Na kanyang nakuha Ipinamumukha Ang kaharap tanga
Nakakalula nakakasawa Mukha kasing mulala Sa letrang 'la kuwenta Pintang kinopya Masabi lang na bida At matanggap ng masa.
|