Artist Club
Sulat
(by Dominic Sales  1/24/2009)

Dear Nay,
May sakit si neneng,
itinakbo pala si nonoy sa hospital kagabi,
Nay, kailan ka magpapadala?
Wala na kaming makain.
Wala na kasi si kuya.
Pumanaw na siya dahil sa kakatrabo.
Kaarawan ko bukas, magpapadala ka ba?
Matagal ka nang hinda nagpapadala.

Dear Anak,
Magpapadala ako ng pera pero hindi pa ngayon.
Pag nagpadala ako ay bayaran mo yaong utang ko noon.
Ipagamot mo si neneng,
bumili ka ng bigas ninyo.
Magdidisi-otso ka na pala bukas.
Pag nagpadala ako ay magenrol ka na.
Anong Grade mo na pala?
Nasa unang baitan ka palang pala.
Sige, busy ako.

Dear Inay,
Salamat kung magpapadala ka na.
Mahal na mahal ka namin.
Mag iingat ka diyan.

Dear Anak,
Hindi na ako magpapadala.
Umutang muna kayo diyan.
Nagmamahal,
nagmamahal?
Anti Nora.




See more Literary
Samahang Makasining (Artist Club), Inc.
Artist Club of the Philippines
email: info@makasining.org

Copyright 2007 Samahang Makasining (Artist Club), Inc.

Powered by AACC