MGA TAUHAN
OLAN –
Graduating
M.E.
student. Ex-boyfriend ni Bevz. Scholar.
BEVZ – 4th year Arki student. Ex-girlfriend ni Olan. Bassist ng school band.
TAGPO
11:00pm.
Sa isang kanto malapit sa school. Malakas ang ulan. Nakapayong si Bevz habang patakbong palapit sa kanya si Olan.
OLAN Hi!
BEVZ Ikaw pala…
OLAN Pasilong ha?
BEVZ (Hindi kikibo)
OLAN Pwede ba?
BEVZ Katabi na nga kita eh. Oh! (Iaabot ang payong) Ikaw maghawak.
Tahimik.
OLAN Okay lang ba talaga makisilong?
BEVZ Arte mo ha! Malaki naman ‘tong payong eh.
OLAN Sure ka?
BEVZ Wala ka naman sigurong masamang balak sa ‘kin ‘no?
OLAN (Matatawa) Okay ka lang?
BEVZ Oh sige, magpakabasa ka d’yan sa ulan.
Magtatawanan.
OLAN Gabi na ah. Ano ba ginagawa mo dito?
BEVZ Nagpractice kami sa banda, may performance kami next week.
OLAN Ah talaga. So member ka pala nun.
BEVZ Last week tumugtog kami sa side strip.
OLAN Wow naman. In demand.
BEVZ Di naman masyado.
OLAN (Titingnan ng head to foot) Teka, hindi ka naman mukang rakista ah? At nagsusuot ka na pala mag mini skirt ha?
BEVZ Being in a band doesn’t require a person to look like a rocker. It’s more than an image, it’s all about the music…
OLAN Kaya pala new look ka. You cut your hair, the mini stuff…
BEVZ (Hahampasin si Olan) Ikaw talaga kahit kelan.
OLAN Maiba tayo, sa Sumacab ka pa ba uuwi? Mukang wala ng dumadaang sasakyan ah.
BEVZ Hindi na ‘ko nagboboard, ‘dun na ulit ako umuuwi sa Palayan. Ikaw?
OLAN Sa San Leonardo pa rin. Dun kila Mamang.
BEVZ Kumusta na nga pala sila? Si Tita Arlene, ‘yung pamangkin mo, si Epeng ba ‘yun? Tsaka ‘yung suman na gawa ni Mamang, namiss ko ‘yun ah.
OLAN Isang taon na pala nakakaraan.
BEVZ Ang alin?
OLAN Our break up…
Tahimik.
BEVZ Congrats nga pala. Ilang months na lang, gagraduate ka na.
OLAN Thanks.
BEVZ So what’re your plans?
OLAN Kinukuha akong CA ng San Miguel. May nag ooffer din ng project sa Angat Dam.
BEVZ Wow. Big time! Iba na talaga ang Cum Laude.
OLAN Suma Cum Laude
BEVZ Ano Olan, nakatikim ka na ba ng luto ng d’yos? Joke!
OLAN Ha? Ano ‘yun?
BEVZ Shet, Olan. Gagraduate ka na isip bata ka pa rin!
OLAN Excuse me?
BEVZ Sex lang ‘di mo pa alam.
OLAN ‘Yun pala ibig sabihin nun.
BEVZ Huh! (Sarcastic)
Hindi sasagot si Olan
BEVZ Bakla ka ba?
OLAN Ha? Ano naman klaseng tanong ‘yan?
BEVZ No offense, Olan. Pero kasi parang masyado kang seryoso sa studies. Gentleman ka pa, halos ‘di makabasag pinggan. Ang cute mo, pero karamihan sa mga bakla pang front lang ang pagiging pogi.
OLAN (Matatawa) So you mean being a gentleman equals being a gay?
BEVZ Sa five months na pinagsamahan natin, hindi mo man lang ako nahalikan!
OLAN
Beverly
, bata pa tayo nung mga time na ‘yun
BEVZ Rolando, totoy ka talaga kahit kailan.
OLAN So, you really think I was gay?
BEVZ Uhm, medyo lang. Hindi naman siguro. Ikaw pa, magaling kang magpaiyak ng mga babae.
OLAN Here we go again.
BEVZ Whatever.
OLAN Si Arlene ba?
BEVZ Sino pa ba?
OLAN How many times do I have to tell you na friends lang talaga kami ni Arlene. Close lang talaga kami kasi kababata ko s’ya.
BEVZ Okay, okay. Case closed!
Kukunin ni Bevz ang sigarilyo sa pouch at kanyang sisindihan.
BEVZ Do you mind?
OLAN No, go ahead.
BEVZ Ang ginaw kasi.
OLAN Kelan ka pa natutong mag yosi?
BEVZ It’s a long story, Olan. Marami ka ng hindi alam sa ‘kin.
OLAN Like what?
BEVZ Daya mo ha, ikaw naman kaya magkwento!
OLAN Good idea. Ano gusto mong pag-usapan natin?
BEVZ Ikaw…
OLAN Sex?
BEVZ Napaka mo! Kala ko pa naman goody-goody ka talaga, nasa loob din naman ang kulo!
Magtatawanan
OLAN Lumalakas ang ulan ah.
BEVZ Kaya nga let’s make our stay here more interesting. Tell something naman.
OLAN Mula ba nung nagbreak tayo?
BEVZ Bahala ka.
OLAN Wala naman exciting na nangyari eh. I had two girlfriends at once! (Tatawa)
BEVZ At hindi pa exciting ‘yon? Babaero ka talaga.
OLAN Are you insulting me?
BEVZ Compliment ‘yun, tanga!
OLAN Ganun pala ha! (Kikilitiin si Bevz)
BEVZ Olan, anu ba! Mababasa tayo n’yan eh.
Magtatawanan.
BEVZ So what happened next?
OLAN Ayun, nabuko. Sabay nawala.
BEVZ Don’t play the game of love kasi.
OLAN At sinong nagsabing love ‘yun. I just played the game.
BEVZ Eh ‘yung sa ‘tin ba dati, laro lang din ba ‘yon?
OLAN Hindi ah. Alam mo namang seryoso ‘ko sa ‘yo.
BEVZ Yikes! Ang baduy mo naman.
OLAN Totoo naman ah. Sino baduy ha? (Kikilitin ulit ni Olan si Bevs)
BEVZ I’m starting to chill.
Aakapin ni Olan si Bevs.
OLAN Feel better now?
BEVZ (Ignoring Olan) Bugok ka talaga, napagsabay mo dalawang babae. Ilang months kayo tumagal?
OLAN Three yata? ‘Di ‘ko na matandaan eh.
BEVZ Linis gagawa. Always playing safe.
OLAN Eh ikaw, I never hear any news about you for centuries!
BEVZ OA mo ha!
OLAN Kina career mo naman kasi masyado studies mo eh.
BEVZ Oo naman, sanay na ‘ko sa walang tulugan.
OLAN Saan, sa pag-aaral o sa banda?
BEVZ Alin ba gusto mo?
Magtatawanan.
OLAN How’s your love life?
BEVZ Not fine. Mula ng magkahiwalay tayo, nagka leche-leche na buhay ko.
OLAN Whoa. That’s miserable.
BEVZ And horrible. (Tatawa)
Magkikibit ng balikat si Olan.
BEVZ Naging kami ni Jerome.
OLAN Yung cheer…
BEVZ Oo yung cheerleader.
OLAN Oh eh bakit hindi kayo nagtagal? Ihinahagis ka ba sa ere?
BEVZ (Hahampasin si Olan) Bwisit ka talaga. One week lang kami.
OLAN Record breaker ah.
BEVZ Sumunod si Mark. ‘Di rin kami nagtagal.
OLAN Bakit naman?
BEVZ Masyado s’yang busy. And I think our relationship won’t work either. Parang walang spark. Walang chemistry.
OLAN Hindi naman kasi ikaw nagagawi dito sa main campus kaya wala akong balita sa ‘yo.
BEVZ Olan, may sasabihin ako sa ‘yo. Pero
sana
, atin atin lang ‘to.
OLAN Mangungutang ka?
BEVZ Pwede ba sumersoyo ka!
OLAN Okay.
BEVZ Uhm…
OLAN (Titingin lang ka Bevz)
BEVZ I was raped!
OLAN Is that a joke?
BEVZ Si Warren. We’re both drunk. Wala na ‘kong lakas, hindi ‘ko s’ya kayang pigilan. (Magsisimula na s’yang humagulgol)
OLAN (Gulantang) It’s okay…
BEVZ
Warren
left me. Pumunta na s’ya ng
US
. That was two months ago, buti walang nabuong bata. Pero the fact na I was used… Olan, hindi ko na alam ang gagawin ko! I uhm…shit! (Iiyak)
OLAN (Aakapin ng mahigpit si Bevz) Okay, wag ka munang magsalita kung nasasaktan ka lang.
BEVZ I felt so alone. God, why did this happen to me?!
OLAN Oh tahan na.
Iiyak lang si Bevz kay Olan
OLAN Alam ba ‘to ng parents mo?
BEVZ Walang nakakaalam. (Patuloy lang sa pag-iyak si Bevz)
OLAN It’s alright.
BEVZ Don’t worry, I’ve already moved on. Wala lang akong mapaglabasan ng sama ng loob.
OLAN (Hihimasin ang likod ni Bevz) Okay lang ‘yon. Tahan na.
Matagal na katahimikan.
OLAN Ano na
plano
mo?
BEVZ Nothing has changed. I’m still living a normal life…
OLAN That’s good.
BEVZ Fair enough. Life is life – full of surprises.
OLAN You feel empty pa rin ba?
BEVZ I don’t entertain that idea anymore, lalo na’t kasama kita.
Tahimik
OLAN So what’s keeping you busy now?
BEVZ Focus muna ko sa studies ko
OLAN At sa banda…
BEVZ (Matatawa) ‘Dun ko nakilala ang banda. Sa pagtugtog ko na lang dinaan lahat ng problema ko. See, our music is a rich soup of different ingredients, stirred up by different individuals.
OLAN Ah, parang instant noodles pala. Mainit-init pa!
BEVZ Gago mo!
OLAN Edi tumawa ka rin… Lika nga dito. (Aakapin ng mahigpit si Bevz) What if, meron uling second chance. Would you do the same thing with me?
BEVZ Anu un?
OLAN Makipag-inuman, then doing something after.
BEVZ Ang bastos mo ha?
OLAN I mean,
gaya
ng mga band mates mo, tumutugtog kayo after having a drink.
BEVZ Oo nga pala, magaling ka mag drums. ‘Di ba chorale ka din dati?
OLAN Let’s start all over again…
BEVZ A new beginning…
OLAN So, would you be my band mate?
BEVZ Ang baduy mo ha?
OLAN Bakit ayaw mo? (Kikilitiin si Bevs)
BEVZ Oo na, oo na. Anu ba Olan, stop it, nakikiliti ako!
OLAN Sino baduy ha? (Madudulas, madadampi ang labi kay Bevz)
Malalaglag ang payong. Mababasa sila ng ulan.
Dilim.
|