Artist Club
Bagong Sibol sa Makabagong Kanbas
(by Mislang  1/4/2009)

Bagong Sibol sa Makabagong Kanbas
(Mislang)

Di matatawaran ang kasaysayan ng bawat kanbas, magsimula sa batikan at nagsisimula pa lang sa larangang ito. Bawat istilo may kahulugan at bawat kulay may hatid na ligaya sa mga mapanuri ng sining.Ngunit aminin man o hindi ng bawat pintor o alagad ng sining may sisibol at sisibol sa bawat pag-inog ng mundo. Pinipilit pawalan nito ang nasa saloobin upang makita o maramdaman man lang ng mga nagmamasid sa kanbas. Pinupukaw nito ang bawat hagod , istilo, kulay, at malikhaing obra na pakiwari’y may ibig patunayan.

Buhat sa lumang uri ng midyum hanggang sa init ng araw… iba’t-ibang uri ng putik, kape, bawang, at maging dugo, iisa lamang ang boud nito. Magsilbing ilaw ang mga obrang likha upang mailabas niya ang lalim ng kanyang arte o sining.

Sa taong ito at darating marami pa ang mangangahas na lumikha ng obra upang maging kapakinabangan sa komunidad at sa bawat buhay ng tao. Naniniwala ako na ang ating SamahangMakasining ay sisibol at mamumunga ito ng hindi inaasahang katagumpayan dahil may tiwala tayo sa ating kakayahan.




See more Opinion
Samahang Makasining (Artist Club), Inc.
Artist Club of the Philippines
email: info@makasining.org

Copyright 2007 Samahang Makasining (Artist Club), Inc.

Powered by AACC