Artist Club
PANTAY LANG !
(by Rey R. Lorenzo  3/12/2009)

Wala akong magawa kundi magkamot ng ulo pag iniisip ko ang distansiya ng langit at lupa... Babuyan Island at ng isla ng Jolo... karungan ng henyo laban sa mangmang atbp.Iniisip ng mahirap ang agwat sa mayaman at ang mayaman naman agwat niya sa mas mayaman sa kanya. Ang nagwawalis sa kalsada para maging malinis ang kapaligiran laban naman sa mga doktor ma nangangalaga sa kalusugan.

Ang pangulo ng bansa laban naman sa pangulo ng amerika.Mabuti na lang natitigan ko ang orasan habang pinakikinggam ko ang kanyang tiktak napagtanto ko sa sarili ko na meron siyang kahulugan, kasabay niya ang tibok ng puso ko.Bawat kumpas ng kamay ng orasan ganon din ang tempo ng puso ko. Oo nga pala! sambit ko sa aking sarili.

Pantay nga pala kami ng top 1 sa listahan ng pinakamayaman sa boung mundo. Pantay lang pala kami ng henyong scientist.Pantay lang pala kami ng presedente ng America. Pantay lang pala ang lahat ng tao maging anong uri ang istado ng buhay nila pati karungan na bitbit nila. Pantay lang pala tayo sa mundong ito dahil pareparehas tayong pinahiraman ng 24 oras ng Maykapal.



See more Articles
Samahang Makasining (Artist Club), Inc.
Artist Club of the Philippines
email: info@makasining.org

Copyright 2007 Samahang Makasining (Artist Club), Inc.

Powered by AACC