Magkakamot ka ng ulo sa ibong tarat Maaga pa lang talak na ng talak Dinaig pa nga niya ang alagang katyaw Na namaus na sa kapuputak.
Daming ingay wala naman binatbat Puro daldal wala naman maipakita. Kapag nakasama akala mo alam lahat Kapag gumawa naman laging silat.
Ibong tarat walang sawa sa kantiyaw Di pa man sikat hulog na sa kalabaw. Mapagpuna ang mga mata kaya lahat nakikita Pero nakalimutan namang tanggalin ang muta.
Laki ng ulo kapag napupuri Astang bilib ng bilib sa sarili. Ngunit tulad niya'y lobo na walang asogi Di makalipad at bagsak lagi sa isang tabi.
Sayang naman kung di pakikinggan Kahit papano nakakatulong naman Upang gawin ng maganda ang puna Ng isang tarat sa kawayan.
|