Artist Club
VALENTINES SPECIAL (MGA KUWENTONG PAG-IBIG)
(by Cesar M. Macalinao  2/5/2009)

Mga orihinal na kwento hango sa tunay na buhay ng DESIGN 360 Eng´g & Ads guys (Solano Branch)

Itinatangahal:
Gorio, Harvey at Errol-hindi tunay na pangalan (sinadyang palitan ang mga pangalan ng nasa kwento at ang lugar ng pinangyarihan upang pangalagaan ang kanilang dignidad).

KUWETONG PAG-IBIG 1,

Plano ni Harby na ligawan muna ang magulang bago ang anak upang di siya mahirapan.
(Isang araw nag-iinuman si Mang Nards (tatay) at si Harby)
Mang Nards: Alam mo Harby sa tagal ng pagsasama natin sa inuman, Ehhhhh itinuturing na rin kita bilang isang tunay na anak.

Harby: (tuwang tuwa sa nadinig at nagtagumpay sa planong ligawan muna ang ama bago ang anak) "Talaga po, eh di puede ko na kayo tawaging tatay"

Mang Nards: aba anak puedeng puede dahil yan na ang turing ko sa iyo mula ngayon "bilang isang tunay na anak."

Sa kanyang pagbabalik
Harby: Tatay magpapaalam po sana ako ngayon upang ligawan ang inyong anak na si jenny

Mang Nards: Aba aba aba anak, naliligaw ka na yata ng landas KAPATID MO NA YANG LILIGAWAN MO AH!

KUWETONG PAG-IBIG 2,

Tatay: (Kausap si Errol ang manliligaw sa anak)Sa galing lang at hatid sundo mo ang anak ko araw arawmula Solano haggang Bambang. Bibigyan kita ng Service na kotse para magamit sa paghatid at pag sundo sa kanya. At bibigyan pa kita ng pang gas na P4000 a month
Errol: Talaga po, Napaka bait nyo naman, maraming maraming salamat po.
Tatay: Walang anuman, basta para sa anak ko gagawin ko ang lahat.

Nag-uusap si Joss at Errol
Errol: Napakabait naman ng tatay mo binigyan pa ako ng service para ihatid at sunduin ka.
Joss: Oo nga, mukhang tanggap ka na ng mga magulang ko.
Errol: Ipapaalam ko na sa kanila ang malinis na hangarin ko.
Joss: Bahala ka.

Isang araw magpapahayag na ng hangarin si Errol sa tatay ni Joss
Errol: Sir nais ko pong ipaalam sa inyo ang maliis na hangarin ko sa inyong anak.

Tatay: Aba aba aba Errol, sumososbra ka na yata. Hindi tulad mo na isang DRIVER LANG ang nababagay sa anak ko.

KUWETONG PAG-IBIG 3,

Gorio: Ano ba naman to lagi nalang akong sawi sa pag-ibig. Bagay yata ligawan ko nlng si Novie kahit may anak na.

Makakatanggap ng tawag mula kay Novie.
Novie: Hello Gorio Puede bang alagaaan mo ngayon si JR.
Gorio: Aba oo naman basta ikaw
Gorio: (nag-iisip) ito na ang pagkakataon upang mapaibig ko si Novie

Isang araw
Novie: aba Gorio parang tatay na rin ang turing ni JR sa iyo ah. At parag anak din kasi ang turing mo sa kanya.
Napaka suerte naman ng mapapangasawa mo.
Gorio. Talaga Novie, at alam mo ba na ikaw ang masuwerteng babae na tinutukoy mo.
Novie: (Napasigaw) Aba Gorio hindi tulad mo na isang YAYO lang ang mapapangasawa ko.




See more Literary
Samahang Makasining (Artist Club), Inc.
Artist Club of the Philippines
email: info@makasining.org

Copyright 2007 Samahang Makasining (Artist Club), Inc.

Powered by AACC