Artist Club
Unang dampi ng mga daliri sa Odiongan (Guniguni)
(by Elito V. Circa  3/22/2009)

March 18, 2009

5:00am pansamantala akong nagpaalam sa mga tur-uging pusa upang tupdin ang tawag ng tungkulin sa bayan. Si sgt. Danny Camalog isang kawal din ng Camp BPRE, marahil nahirapan ding umapapa kaya late sa lugar ng usapan. Bahagyang bumubutas na ang liwanag sa mga salamin ng aming sasakyan. Wari’y ligtas ang mga oras na iyon, walang saksi.

Ka-blag, baggggg!!! Tatlong sasakyan ang biglang inambos ni kamatayan sa lugar ng NLEX, buti nalang at nasa hulihan kami, hindi kami inabot ng mga punglo ng kamalasan.



10am papasok na kami sa Airport ng camp PAL, bahagyang nadelay ang flight dahil sa mga tinamong kalmot ng plane mula sa mga koko ng kalawakan, kinailangan pa naming lumipat ng isang eroplano, isang mas maliit na eroplano na naglululan lamang ng 19 pasahero. Take-off palang binabanatan na kami ng mga bomba, bom! Yanig! tagilig sa kaliwa, Bom! Yanig! Tagilid sa kanan, sumasaldak pa. Nagtitinginan na lamang, walang maglakas loob na magdaldalan. Ito yata ang unang eroplanong nagpagalaw ng mga tuhod ng ilan kasama na ako. Napanatag lamang nang nasa 9,000 ft na ang taas.

Isang oras lang nasa paanan na ng Romblon ang eroplano, nanggilid sa mga pampang, umapa sa pagitan ng mga bundok, nang tiyak na ang kaligtasan at saka ito lumapag ng dahandahan. Hay salamat sa pilotong intsik.



Akala ko tapos na ang bakbakan, ang kalbaryo, dalawang oras pa pala ang babagtasin para marating ang lupain ng Odiongan. Sabik na ako sa matamis na saging, kakanin at alak gawa sa binuro na tanigue. Bungad palang ng bayan nakakapanibago na, masarap sigurong sumakay sa kabayo o sa isang karawahi, feeling ko nabuhay ako ng 18 century. May Vigan pala dito sa Odiongan. Malaya sa sigalot, lugar na talagang mapapanatag ka, walang gera.

Tulad ng dati nag-iwan ako sa lugar na ito ng mga bakas na guhit, kung saan ikinulong ang mga pilosopya sa isang papel upang muling palayain ng iba, “k joey”. Naubos ang oras ko sa paghahanap ng murang pinturang kailangan sa pakikibaka upang makabuo ng isang malayang damdamin. Walang wala kailangan ng alternatibong bala, kailangan balikan ang pagkabata upang makahugot ng idiya, hukayin ang batang kaugalian, paburitong gamit, paboritong pagkain at paboritong ulan, tuyo “Soy Sauce” na may mantika… himmm sarap! ..



Tuyo nalang gamitin ko na bala sa pagpipinta, walang gunting sa buhok ko kaya, tooth pick nalang na pantinga ang brush. Maganda rin naman ang kinalabasan, natuwa pa ang manager ng Haliwood Hotel kaya hinilingan pa ako ng isa pang obra, obrang imahin ng kanilang malaking gusali… buti nalang at hindi pa nila alam na dugo ang talagang gamit ko sa pagbuo ng obra. Dugo, baka hindi na ako nakabalik kung yon ang ginamit ko sa 4 na pintang iniwan ko, no prob nalibre naman ang tulugan. Tulad ni kapatid na Libunao sa Eysi na gumamit ng piniritong katas ng bawang sa paggawa ng mga obra na sumikat nitong 2008, tama lang na explore pa ang mga posibilidad na mga kagamitan.



4:00pm dalawa kaming naghahabol ng barkong paalis na gamit ang single na upahang motor, pawang walang helmet, tiyak ang kamatayan kung sakaling gulatin ni kamatayan ang driver. 6:00pm sa wakas natuloy ding umalis ang barko. Pagkakataun na ito upang ubusin ang dalang papel na gamit sa mga obra. Kasa dito kasa doon, gawa dito gawa doon, kabikabila, inubos ko na ang natitirang anim na papel sa obra, at saka ko ipinagbibigay sa mga nakasalamuha sa loob. “laki naman ng calling card mo”, “opo para madali ninyong mabasa at makita lalot naka frame sa dingding ninyo”. Sa huli bagsak ang katawan at kaysarap matulog. Nagising nalang ako sa tindi ng lamig ng deluxe na kuwarto. kung bakit sa oras na 2:00am pa tumapat ang paggising.

Kung sabagay oks narin, maganda naman ang mga panaginip mula sa 5:00am na mahimbing na pagkakatulog.




See more Articles
Samahang Makasining (Artist Club), Inc.
Artist Club of the Philippines
email: info@makasining.org

Copyright 2007 Samahang Makasining (Artist Club), Inc.

Powered by AACC