Artist Club
ang tinta ng aking luha
(by RUBY ANN THOMAS A. CABRERA  5/1/2009)

ang tinta ng aking luha...

sa tuwing ika´y makikitang palayo na,
pasakit ang tinta ng aking mga luha
pakiwari ba´y nauupos na kandila,
nilalamon ng lungkot at pangungulila.

sa tuwing mga mata mo´y di ko na makita,
panlulumo ang tinta ng aking mga luha
nagsusumamo sa langit,hingi ay himala
na sana sa buhay ko ay di ka mawala

sa tinta ng aking mga luha
inaamin kong
mahal kita...




See more Literary
Samahang Makasining (Artist Club), Inc.
Artist Club of the Philippines
email: info@makasining.org

Copyright 2007 Samahang Makasining (Artist Club), Inc.

Powered by AACC