Artist Club
Pagdampi ng daliri sa paanan ng Palawan
(by Elito V. Circa  3/22/2009)

March 14, 2009



Ikalawang pagtunghay sa ganda ng Palawan. Bawat probinsya ay may kanya kanyang katangian akong nakikita, pero ang lagi kong hinahanap ay patungkol sa sining at kultura lalo na sa mga taong namumuhay rito.

Dito sa Palawan, nakilala ko ang mga alumni at impliyado ng Palawan Conservation Corps (PCC) isang Non-Government Organization na nangangalaga at nagtuturo sa mga kabatan sa pangangalaga ng kalikasan, sina jerry, ronald, reno, andrei, ronilo, loey, michell, ailleen, brado, Jane, ayeng, jely na taga Rizal Nueva Ecija pa pala ang tatay. Si Edong “taongkahoy” Magpayo tumatayong Executive Director ng PCC, dakilang alagad ni kalikasan, putok ang pangalan sa galing ng mga likhang sulatin at larawan sa Puerto Princesa at sa Internet, matagal ko nang kilala dahil sa mga obra niya sa internet at sa pagpapakilala ng aking pinsan, si Genoveva Barcelo o ate tiit na isa ring mahusay na manunulat.



Halos 1:00pm na nang simulan kong maglecture tungkol sa sining, pero bago ang lahat ipinalabas ko muna yung “Tik-Tak-Bo” ang kauna-unahan kong experimental short film na pinagbuhusan at pinaglagyan ko ng aking buong pilosopya sa buhay. Ipinalabas ko rin ang ilang video na patungkol sa akin, mga feature sa ko TV at mga video ng aking mga gawang sining.

Syempre lecture ko lagi ang aking tuklas na “Ang sining ay ang pinakamataas na antas ng pakikipag-usap at pakikipag-ugnayan” in short “Ang sining ay ugnayan” ganoon din ang lecture ko tungkol sa ano at sino ang Makasining at ano ang tungkulin nito sa kalikasan “Ang alagad ng sining ay alagad ng diyos” – tagapag-ugnay at tagapaghatid ng balita ng Maykapal.

Syempre ipinasok ko rin ang pilosopya ko sa buhay na ang buhay ay bilog “infinite”, kasama na rito ng reincarnation “may buhay sa kabila ng pagpanaw”, diyan na talaga sa pilosopiyang yan umiikot ang aking buhay at ang pagiging makasining ko. Dahil sa gusto kong patunayan yan nag-iiwan tuloy ako ng mga bagay na mula sa aking katawan na maaari kung maalala o maramdaman, parang “Lukso ng Dugo”. Baka kasi may mag-DNA test at mag-clone sa paglipas ng panahon hehehe.



Wirdo man ang dating sa mga dumalo, wala silang magawa dahil sa mga oras na yon ako ang bida. Sila nga rin daw naniniwala sa reincarnation, pero sa isang sinabi ko lang sila duda o bantulot na maniniwala, na ang “lahat ng bagay ay nakikipag-usap sa tao” - sa huli napaniwala ko naman sila, may mga proof kasi akong ibinigay.

4:00pm na nang simulan kung mag-hand painting sa isang canvas na may sukat na 3X4 feet, gamit ang mga pinturang pantubig. Malakas maka implowensya ng paglalaro ng pintura sa canvas kaya nagsisabayan na rin ang lahat na magpinta. Maganda naman ang mga kinalabasan ng kanilang mga gawa, bawat isa, makikitaan ng kabundukan at damdamin na patungkol sa kalikasan. Bilib ako sa PCC thru Edong anglakas ng kanilang kamandag, mababasa kasi sa mga pinta ang itinuturo nilang pangangalaga sa kalikasan.

Natuwa ako sa kanilang organisasyon kaya nag-donate tuloy ako ng isang Domain Name pangalan sa internet na maaari nilang gamiting official website ang PALCORPS.ORG. Bahala na sila sa design ng website, tutulong na lang din ako sa pagsasaayos nito. Sabi ko nga malaking bagay ito na sarili mo ang domain, malaya sa design, walang ibang ads, madaling tandaan, sa iyo at hawak mo mismo ang talaan o databases. Pagkakataon rin ito na makilala sila ng ibang international funding org, para kasing patapos na nitong May yung una nilang proyekto na funded ng isang international organization. Ngayon lagari sila sa paghahanap ng mga susunod na international funding.



9:00pm na ako nakauwi sa aking tinutulugan, nag-3beers pa kasi ako sa kinainan naming folk house restaurant, nasarapan sa kwentuhan at pagpapalitan ng experience tungkol sa pagiging makasining. Marami na rin palang karanasin si Edong pagdating sa sining ng pagsulat, pagtuturo at pangteatro, sabi ko nga sumali siya sa Palanca o apply na siya sa pagiging National Artist, pangarap ko rin kasi yon.

Sa PAES dorn antok na ako, hindi ako makapasok sa kwarto ko, nadala ni ate Eva “care-taker” yung susi, walang ibang tao, kailangan ko pang lumabas at maglakad, pumunta sa kabilang bahay para magtanong ng duplicate ng susi, walang duplicate buti nalang at may nagmagandang loob na kunin ang susi sa bahay ni ate Eva half kilometer mula sa PAES. 11pm na ng nakapasok ako sa kwuarto, buti nalang 4pm pa kinabukasan ang flight ko pabalik sa Luzon, i-upload ko nalang sa www.flickr.com/photos/amangpintor yung mga pictures, sa www.youtube.com/amangpintor yung video at sa www.amangpintor.net naman itong write-up ko. Gusto ko pa sanang makihalubilo sa mga naghatid ng susi, maisingit yong ang pilosopya, kahit isang tagay na beer pero talagang bagsak na ang katawan ko. Kailangan nang matulog para managinip.

Hayyyyyyyyyyy!

Bawat probinsya o bayan na aking pinupuntahan, nandon ang pagnanais kong mag-iwan ng mga alaalang maaari kung makita sa muling pagbalik.

Pagnanais na mag-iwan ng mga alaalang kailanman ay hindi malilimutan ng mga taong nakiniig – ang pagtuturo at pagbabahagi ng kaalaman sa mga kabataan, kasabay ng mga likhang sining na gawa ng mga daliri at buhok. Ayaw kong naisin na sa pagdating ng araw ang mga pintang ito ay nasa loob lamang ng isang malungkot na silid at binabantayan ng mga huwad na liwanag. Gayon din ang mga talinong nasaliksik sa paligid na dapat na marinig ng nakakarami.




See more Articles
Samahang Makasining (Artist Club), Inc.
Artist Club of the Philippines
email: info@makasining.org

Copyright 2007 Samahang Makasining (Artist Club), Inc.

Powered by AACC