Artist Club
ANG PAGIGING MATAPAT
(by Emmanuel V. Dumlao  1/15/2008)

Ang pagiging matapat
ay kabutihang-ugali
na dapat nating isapuso;
kaya tulad ng susô
na ngumangatngat ng dahon,
siya, na ulo ng CHED,
ay nanahimik upang magturo
sa pamamagitan ng gawa
at hindi ng ngawa --

ipinid ang bibig
upang karera`y di mapatid

Ang pagiging matapat
ay kabutihang-asal
na dapat nating isabuhay;
kaya tulad ng susô
na pinalukot ng asin,
sumukot si neri, inilubog ang ulo
sa laylayan ng saya ng kanyang hepe --

siya, na bungangang umaalingasaw
sa hello garci at I am sorry




See more Literary
Samahang Makasining (Artist Club), Inc.
Artist Club of the Philippines
email: info@makasining.org

Copyright 2007 Samahang Makasining (Artist Club), Inc.

Powered by AACC