Artist Club
Al Ain: I Ain`t
(by Teresa Salas Danao  11/6/2007)

Al Ain: I Ain`t

Di ko akalain
Ako’y makakarating sa Al Ain,
Madisyerto pa, ‘di katulad ng sementadong Dubai
Mabundok, mapuno, di gaanong maalinsangan
Nakakapagtaka, minsan ay umaambom pa.


Tahimik at ‘di populado
Mura ang pagkain at paisa-isang dirhamo ang pasahe dito
Kung sa Pilipinas mangga ang aking paborito,
Dito nama’y dates na pabilog at mala-asukal ang tamis
Mangilan-ngilan lang ang Pilipino kaya’t kapag nagkasalubong sa daan
Isang ngiti ang matitisod mo.

Upa sa malaking silid ay mura, swerte talaga kung malapasyo pa ang itsura
Kaya heto ako, kalat dito, kalat diyan.
Pulot dito, pulot diyan pagsapit ng biyernes at pahingang to the max!
Para isa isang simpleng expat na katulad mo, eto ang bagay sa’yo.
Pangulila, minsa’y ‘di na alintana,
Basta’t si irog ay kasama (sana meron nga!)
Kasama dito sa Al Ain-g mapuno at masagana.




See more Literary
Samahang Makasining (Artist Club), Inc.
Artist Club of the Philippines
email: info@makasining.org

Copyright 2007 Samahang Makasining (Artist Club), Inc.

Powered by AACC