Artist Club
Ang Magkatipan
(by Genoveva Circa Barcelo Regehr  11/13/2007)

Parehong nananabik sa pagkikita,
Sa tabi ng Isla doon ang pugad nila!
Ang mga mata`y nagtitigan,
Magka hawak kamay, at mag kayakap pa!

Sa tabi ng Isla, nakaupo sila,
Sa dalampasigan puno ng sigla!
Ang kaba ng dibdib sa titig ng mga mata,
Paglubog ng araw, tinatanaw nila!

Sa tabi ng Isla, nagniningging ang tubig.
Parang bubog na salamin sa ilalim ay buhangin!
May pabulong bulong ang wika niya!
Dito kita ipagtatayo ng dambana!

Pangarap ko`y magka pamilya!
OO, sagot niya! Basta magkasama tayong dalawa!
Sa gitna ng karagatan, walang hangganan!
Katulad ng pagiibigan natin, walang patid.

Sa tuktok ng bundok, aakyatin natin!
Hangga sa langit ay susukdulin,
Sa duyan magkayakap pa rin
Sa ilalim ng mangga, o kaya`y makopa!

Himig ng hangin ay parang lambing,
Musika sa tenga, kahit walang gitara!
Naglalaro, gumugulong sa buhangin,
Naghahabulan at nagtatawanan!

Nakatanaw ang mga taong mata`y nangungusap,
Tingnan mo sila, parang walang nakikita!
Walang paki alam kahit may narrinig,
Pinapakinggan lang ang sariling himig.

Magkatipan ang tawag sa amin!
Hindi nila alam ang aming layunin,
Ditso sa Isla ng Puerto Princesa,
Pinagtagpo ang gaming hininga.

Mga punong kahoy! ang nasa paligid,
Malinaw na batis na walang kaparis!
Puerto Princesa, halika ka na!
Dito tayo magsimula ng ating pamilya!
Ang bughaw na dagat, tapat ng maputing ulap!,
Nakapintura sa langit, malalayang ibon,
Sabay sabay lumilipad, sama sama sila
Parang isang tropa! Pinapanood namin sila,

Ang pag-iibigan ay kasing kulay,
Ng rainbow nakatago sa abunab!
Kasing init ng araw, walang makakaagaw!
Kasing ganda ng bulaklak! kasing tamis ng halakhak!

Walang pagod ang paglalakbay kahit
Saang baybayin, maubos man ang oras,
Walang alalahanin! gabay namin ang
Puerto Princesa, and bayan ng Palawan!
Gabihin man sa daan! Isla pa rin ang pugad namin!




See more Literary
Samahang Makasining (Artist Club), Inc.
Artist Club of the Philippines
email: info@makasining.org

Copyright 2007 Samahang Makasining (Artist Club), Inc.

Powered by AACC