Dumadagundong ang kulog; At matalim na kidlat; Sa nangingitim na ulap sa kalangitan. Sa bulahaw nang Inang hinahanap ang mga anak; Sabay hablot nang mga sinampay at nakakulang damit. Aninag nang mga paslit; Ang naaanod na baha; Sa dagsa nang ulan; Gumuguho ang kalsada nupnop sa maghapon; Mga matang nakasungaw sa bintanang; Inaabangan ang taong naglalakad sa putikan. Nakapanpan ang mukhang tanging pandong; Ay salukot at kalapyaw; May akay akay na kalabaw. Nakahalukipkip ang Ama kong giniginaw; Sa pagpihit nang ubod na iniiihaw; Nakatupang mga nguso; Tinatakam ang ulam na inabraw; Pagsapit nang gabing malalim; Merong nagngangalit nang ipin sa pag idlip; May nagkakamot sa kagat nang surot; Nararamdaman ang ihip nang hanging masungit; Halos matuklap ang atip; Matinig na kalansing nang tabo at timba; Nakasahod sa tulo nang ulan; Tagos sa aming higaan. Sa tagiktik nang arinolang may umiihi; Sa aming pandinig ay parang musikang nag uugoy Sa pagtulog; Katabi ang matapang na amoy nang usok nang katol; Masahol pa sa kagat nang lamok; Tangi ang boses ni Tiya Dely; Ang nagpapaantok. Sa pagbalikwas; Papunta sa malayong kasilyas; Sinasamahan nang Kuyang takot sa amat; Nakapinid sa isang sulok; Animo kakaripas; Baka merong nakasulyap; Sa may nuno nang punso; Matanda pa sa aming bunso. Ang aming bahay; May batalan kung tawagin; Aming paliguan o kusina na rin; May tapayang tubigan; Kung hindi ka maingat ay baka mabuslot; Sa mga uwang na pagitan; Sa pusali baka ikaw ay madampot. Sa aming pagkain; Magpatulo nang tubig ang aming gawain; Baka merong mabikig; Ang utos nang Ina namin; Ilatag mo ang banig! Hindi naman itinataboy ang manliligaw; Sakali lang kung umangat sa kinauupuan; Kuwentuhang di mapuknit ang libangan. Nakakabit man ang kulambo; At ang ilaw ay malamlam; Tuloy pa rin ang kuwentuhan at ngisngisan; Inaabot nang karimlan. Sa kukusap kusap na punong alitaptap; May bakod na punong tinik; May barulong ang aming silong; May bayuhan nang nilubyan; May alaga kaming asong si "Rigiding"; Ang munispyo at pulis; Ang bilaong may kakanin; May nagngangakngak sa hagdanan; May kalbong bata at galisan; Namuhay na kasing pait nang ampalayang ligaw; Kasingtamis din nang sinuklob ang pumukaw.
Wrote by: Genoveva Circa Barcelo Regehr July 11 2008 Dedicated to our Mother's 81st Birthday, Anacleta Circa Barcelo: A Poet and a Baker
|