noong una tila ito ay isang laro lamang; subalit kapagdaka'y naging totohanan na; sadyang ibinigay ito ang wari ko; sa isang talentong akala ko'y panaginip lang; kaya eto ako ngayon aliw na aliw; sa pagpitik ng hawak kong kamera; hindi lang pala sa panulat; at pagtulong sa kapwa at kalikasan; ang talagang misyon ko; bagkus ang silipin sa lente ng kamera; ang yunik na anyo ng ating mundo; kaya sa ngayon ito'y pinag-iigihan ko; upang ang isang larawan; ay gumulong patungo sa karamihan; bundok man o dagat; lupa man o alapaap; tao man o mga hayop; halaman at mga puno; kapag iyo itong sinilip; sa lente ng hawak mong kamera; sinisiguro kong ikaw ay mamamahika; kaya ano pang inaantay mo; tabanan na ang iyong kamera; at sumabay sa paglalakbay ko; sa mundong nababalot ng hiwaga at ganda; lubha nga yatang hindi matatawaran; itong ating kalikasan; gagayumahin ka ng kaniyang kariktan; kaya sa aking paglalakbay; saan mang dako nitong bansa; bitbit ko parati itong aking sandata; ito ang aking kamera maging makabago man siya o maka-luma; ang mahalaga ay naihahatid ko ang mensahe; salitang gigising sa uhaw mong diwa; lalaruin ng larawan ang pagal mong isipan; kaya't sumabay na kaibigan; kamera'y gamitin na; saan mang panig ng daigdig; kuhanan mo na ng larawan; at ipadala sa iyong mga kaibigan; hindi ang kamera ha, kung 'di ang larawan...
ni edong magpayo ika 16 ng Hulyo 2008
|