Artist Club
Larong Pinoy
(by hulaan nyo  4/28/2010)

Noo'ng kami ng mga kaibigan ko ay mga musmos pa lamang, naranasan naming makapaglaro ng kung tawagin ay mga laro ng lahi. Dahil noong panahong iyon, wala pa ang mga online games tulad ng RAN, Granado Espada, O2jam atbp. Kaya naman talagang ubos ang enerhiya ng aming buong katawan dahil sa kakatakbo, kakalundag at kakasigaw. Naenjoy talaga naman ang aming pagiging bata. Iban'g iba na talaga sa henerasyon ngayon. Kaya sa aking pagbabalik-tanaw, pagmumuni-muni at pagtingin sa cursor na patuloy na kumikindat habang ako'y nag-iisip ng maisusulat, sumagi sa akin'g isipan ang mga laro'ng pinoy na minsan ko na lang makita ngayon.

1. Luksong Tinik - gamit ang mga paa at kamay ng dalawang manlalaro, pagdudugtung-dugtungin nila ang mga ito na para bang gagawa ng bakod na siya namang lulundagin ng isa pa nilang kalaro. Kailangang hindi sasabit ang kahit anong parte ng katawan ng lulundag dahil kung hindi ay magiging taya siya. Maaari rin namang gumulong siya kapag nagkamali ng lundag. Susubsob ang mukha sa lupa at sisirit ang dugo. Ang saya!

2. Luksong Baka - ang taya ay siyang yuyuko na gagayahin ang itsura ng baka. Lulundagan naman siya ng mga nang-aatsoy sa kanya. Kailangang matibay ang mga buto ng siyang magiging baka dahil iba-iba ang pisikal na anyo ng mga tatalon sa kanya. Suwerte mo kung singbigat lang ng tissue paper ang tatalon sa yo dala na rin ng kakulangan sa nutrisyon pero kung singtaba ni Dabyana ang tatalon sa yo, siguraduhing may nakahandang ambulansya o hindi namay'y albularyo na syang manghihilot sa posibleng maging pilay mo.

3. Langit Lupa - habulang laro na kung saan, para makaligtas ka sa taya na siyang huhuli sa yo, kailangan mong maghanap ng isang mataas na bagay na siyang magsisilbin'g



See more Literary
Samahang Makasining (Artist Club), Inc.
Artist Club of the Philippines
email: info@makasining.org

Copyright 2007 Samahang Makasining (Artist Club), Inc.

Powered by AACC