Artist Club
Puting usok sa sigarilyong di hinihigop
(by Cesar M. Macalinao  5/5/2005)

akyat panaog sa hagdan
pagtakbo sa kalsadang maingay
busina, sigaw ng mga kundoktor, pito ng pulis trapiko
sabay na pagmamadali sa kilos ng libolibong tao
sari saring mukha
itim na usok mula sa sasakyan
puti mula sa bunganga
kaysarap na ring langhapin
pagsulong sa paligid
mga maskarang ginto ng nagtataasang gusali
at pang-akit sa naggagandahang mukha
na tila hinabi ng pintor
upang mapalutang
artipisyal na kagandahan
kailangan ba talaga
sa ilang panahaon kaya
pagpapakalunod dahil sa pangangailangan
unti-uting pag-inom sa pinakamatapang na alak
kasabay sa paghitit sa sigarilyong di hinihigop
hangang saan kaya?
hangang kailan?
sa habang panahon ba?
o hangang...
sa di inaasahan

15 august ‘96, 130am, pcibtowerproj




See more Literary
Samahang Makasining (Artist Club), Inc.
Artist Club of the Philippines
email: info@makasining.org

Copyright 2007 Samahang Makasining (Artist Club), Inc.

Powered by AACC