Marikit, nag-aapoy na diwa ng panahon
Init na tumutulak sa sugo ni apo-sining
Na wala sa hinagap kung saan hahantong
Ang punlang itinanim ngayo’y gintong maituturing
Maalab na mithiing iangat ang sining
Ng Nangulilang punla, luha ang puhunan
Maalab na puso, bukas-palad sa makasining
Sa gitna ng ilog-pawis, doo’y pinaggantimpalan
May puwang ang sinag, ang sigla at ang hagikhik
Lalo’t sugo ni apo-sining ay muling nagbabalik
Palad sa palad, dibdib sa dibdib
na pinagtakasan ng pananabik
ngayo’y nakabukas sa muling paghahasik
|