Artist Club
PITIK BULAG 1
(by Mislang  10/20/2009)

Pitik bulag!
Hintuturo di nahulaam
Ngunit nagsalita`t nakialam
Tinuro ang gubat
Ngayo`y kalbo na lang
Ultimong ibong maya
Ayaw ng tirahan.
Tinuro ang kaingero,
Mayamang abusado,
Pulis kutongero,
Isinama din ako,

Pitik bulag!
Kasama nga tayo
Hangal nga sa bisyo.
Pogi points sa tao,
Mabait daw kuno,
Ngunit ni isang puno
Walang mabilang
Si hintuturo.

Pitik bulag!
Huwag hayaaang
Hintuturo`y magturo
Isang takdang araw
Ikaw din ay ibubuko.




See more Literary
Samahang Makasining (Artist Club), Inc.
Artist Club of the Philippines
email: info@makasining.org

Copyright 2007 Samahang Makasining (Artist Club), Inc.

Powered by AACC