Artist Club
REPLAY O REPLY
(by Mislang  10/17/2009)

Replay na lang yan
Panahon pa nga ni lolo Noah
Panahon pa nga ni lolo Moses
Ang mga iyan,

Replay na lang yan
Pauulit-ulit na turuan
Paulit-ulit na siraan
Daig pa ang timang

Replay na lang yan
Corned Beef na stateside
Pagpasa sa mga biktima
Sardinas na lang

Reply naman tayo
Para maiba't mabago
Disiplina sa basura
Disiplina sa batas
Displina sa likha
Upang di magwala
Ang Manlilikha

Reply naman tayo
Para makasama
Kaysa mangutya
Kaysa mag-apila
Kaysa magmura
Upang pakinabang
Sa lahat ng biktima




See more Literary
Samahang Makasining (Artist Club), Inc.
Artist Club of the Philippines
email: info@makasining.org

Copyright 2007 Samahang Makasining (Artist Club), Inc.

Powered by AACC