Artist Club
Sa Boarding House (kabanata 7)
(by Cesar M. Macalinao  5/5/2005)

Pagdating sa bahay, pagod na pagod, hihiga saglit pero hindi makatulog makikipag kuwentuhan sa mga kabahay, estudyante, propesyonal. kuwentuhang walang kabagay-bagay; kantahan, biruan, asaran, lokohan, kaladyaan. Wala kang magagawa kundi makibagay. Dahil kapag seryoso na ang dating ng kuwentuhan para bang napaka korning pilikula na ang dating para sa kanila. Bihira darating ang sitwasyon na makabuluhan ang nagiging takbo ng usapan kaya dapat samantalahin, kapag tungkol na sa buhay, sa propesyon, sa hilig, sa pangarap ang napagkukuwentuhan.

Bago ako lumipat sa Sampaloc, sa Proj. 6 ako nakatira. Dito nag-iisa ako sa kuwarto. Malungkot pero makabuluhan, makabuluhan dahil nakakapagpinta ‘ko, nakakapagbasa ng mga libro... sa propesyon, sa sining at literatura, pati ang obligasyon ko sa panginoon na basahin ang mga banal niyang salita ay nagagawa ko. Kaya lang, sa malungkot at maluwang na silid na ito: madaling lapitan ng tukso. At mahirap pakibagayan ang mga taong nakapaligid na hindi marunong umunawa sa iyo. Kaya kailangang lumisan at magtungo sa mababaw na mundo, na baka sakali, dito ko makita ang sining na hinahanap ko.



See more Literary
Samahang Makasining (Artist Club), Inc.
Artist Club of the Philippines
email: info@makasining.org

Copyright 2007 Samahang Makasining (Artist Club), Inc.

Powered by AACC