Artist Club
Sampung Taong Lubog
(by Bernardo Dela Merced  1/14/2008)

OH PANTABANGAN

Pantabangan is a small, and one of the oldest towns in Nueva Ecija (4 centuries old.)

Ang dambuhalang dam, Pantabangan Dam, ay sinimulang itatag noong 1969 at kumpletong natapos noong 1973. Ito rin ang taon nang ang buong bayan ng Pantabangan ay lumubog at nawala na nang tuluyan sa paningin ng buong sambayanan: mga bahay, munisipyo, bukirin, sementeryo, at simbahan. Inilikas ang mga mamamayan sa Bagong Pantabangan 6 km mula sa lumang bayan, sa mas mataas na lugar ng kabundukan: walang tubig, walang hanap buhay, walang masasaka, walang hospital, wala lahat ang mga pangako ng pamahalaan…!! Makalipas ang sampung taon, 1983, nagkaroon ng tagtuyot sa central Luzon: naapektuhan ang paghahayupan at maraming mga baka, at kalabaw ang nangamatay. Naapektuhan din ang paghahalaman, natuyot ang mga pananim. Dahil sa malaking paghupa ng tubig, ang dambuhalang lawa ay unti unti na ring bumabaw hanggang sa isang araw ay lumitaw na ang kabuuan ng lumang bayan ng Pantabangan…

Sa ganitong pagkakataon at mga pangyayari nakapaikot at nakalapat ang awiting ito.

Title: Oh Pantabangan: Unang Dekada (1983)
Alternative Title: “Awit Alay Sa Bayang
Pantabangan:Sampung Taong Lubog” Music and lyrics: Dr. B.U. dela Merced
Voice Over and words: Ismael M. dela Merced

Voice over: Bayang Pantabangan

Kaming lahat dito isinilang
Dito na rin nais ang mamatay
Sa ilog bukid at kabundukan
Buong buhay aming inialay
Gaano kayang sakit ang nakamtan
Sa paglubog nitong aming bayan
Gaano kayang sakit ang naranasan
Tighaw na ang pusong nalulumbay

Ay yay yay Pantabangan

Aling budhi ang di maaantig
Aling puso ang di magagalit
Bayan kong pinalubog n’yo sa tubig
Umiiyak aking naririnig

Oh woh woh Pantabangan

Ad Lib (Instrumental)

Ngayon nga’y dumating ang panahon
Aping bayan namin ay lumitaw
Dala-dala’y pawang ala-ala
Ng mga pangakong di pinagbigyan
Sampung taon siyang nakalubog
Sampung taon na rin kaming nalulungkot
Dahil sa kaapihang sa ‘mi’y dulot
Paglubog nya’y di naming malilimot.

Oh woh woh Pantabangan
Ay yay yay Pantabangan

Voice over: Bayang Pantabangan, anuman ang mangyari, ay tinatanggap na namin kung ito ang aming kapalaran. Ngunit, hindi ka namin makakalimutan….magpakaylan pa man.

CD NOW AVAILABLE UPON REQUEST.
Pls email berdelamer@yahoo.com




See more Literary
Samahang Makasining (Artist Club), Inc.
Artist Club of the Philippines
email: info@makasining.org

Copyright 2007 Samahang Makasining (Artist Club), Inc.

Powered by AACC