Huwag kang malungkot sa paglubog nang araw; Dapat humalakhak sa hunos nang ulan; Katulad nang sundalong kay tapang; Sinasagupa ang mga kalaban; Ang buhay ay parang umaakyat sa punong matinik; Minsa'y naglalakad sa gabing madilim; Magpahinga sa ingay ng tambol; Kailangan lumangoy nang walang timbulan.
Masikmura mo kaya; Habang ikaw ay may kumakain; Sa mga nakapaligid na batang gutom; Mailunok mo kaya ang isang subo; Habang sila'y nakatanghod; Parang mga inakay; Naghihintay sa kanilang pugad; Sa pagbabalik nang Inang may dalang uod.
Makaawit ka kaya sa harap nang Ama mong nakaburol; Maipinta mo kaya ang mukha nang iyong anak na nalunod; Makasayaw ka kaya kung ang isang paa mo ay pukol; Makapagpuri ka kaya sa Panginoon, Kung ang mga mata mo'y walang ilaw.
Kung merong taong natutulog sa loob nang bangka; Meron ding nakahiga sa ilalim nang tulay; Nakakumot nang kapisang na karton; Kumakain isang beses sa isang araw; Minsan naman ang pagkain ay papel lamang.
May mga taong may lakas umakyat sa tuktok nang batong bundok; Meron ding lumilipad sa kalawakan; May nakarating na sa ibabaw nang buwan; Ang pulubi ay lumalakad lamang; Ang buhay ay may hibla nang kahirapan; Sa gabay nang Maykapal; Tayo ay mabubuhay.
|