Artist Club
Tilansik
(by Mislang  10/4/2009)

Mayroon na naman kalamidad
Sari-sari ang nagpakita ng abilidad
Mga pilosopo, trapo, taga condo, taga Tondo
Mistulang hilong turompo sa pagtakbo
Makaiwas lang sa isang delubyo.

Maraming pilosopong Tasyo ang pumutak
Kahit bawalin ayaw talagang paawat
Binanatan lahat para maging sikat
At ipagsigawang meron siyang utak
Harinawa`y di siya matulad
Sa laksa-laksang basura`y
Kasabay niyang kumakaway at humihiyaw
Ngunit walang nag-abot ng kamay
Para masagip ang kanyang buhay.



See more Literary
Samahang Makasining (Artist Club), Inc.
Artist Club of the Philippines
email: info@makasining.org

Copyright 2007 Samahang Makasining (Artist Club), Inc.

Powered by AACC